Charo Santos-Concio, aliw sa interview ni Boy Abunda

LAST week ay special guest ni Kuya Boy Abunda sa kanyang nightly show na “Tonight With Boy Abunda” si Miss Charo Santos-Concio. Ang prim and proper na dating prexy ng ABS-CBN ay aliw pala kapag very relaxing ang interview sa kanya. Kaswal na kaswal si CSC sa naturang panayam ni Kuya Boy.

Charo Santos-Concio

Pagbabalita ng aktres na nagsimula na siyang magbasa ng ilang scripts para sa next film project niya (bilang aktres) after ng “Ang Babeng Humayo” ni Lav Diaz, kung saan si John Lloyd Cruz ang kanyang nakapareha.

Bukod sa pamimili ng scripts na gusto niyang gawing pelikula, she’s into corporate engagements, kung saan sini-share niya sa kanyang audience ang mga natutunan sa pagiging leader ng isa sa pinakamalaking kumpanya sa Pilipinas.

Sa katunayan, ang mga aral na natutunan ni CSC sa kanyang pagiging pinuno ng ABS-CBN ay isinalibro sa “My Book: The Story of An Expected Leader”.

Kuwento niya during the interview, “The stories of my life will only be used as a springboard to share leadership lessons and that’s why I agreed to do the book.”

On the lighter side of the interview, sinabi ni Miss Charo that she is more into mature men. Sabi ng aktres, “I go for men who can engage me in a conversation. I mean I go for men with a broad perspective on life; somebody who can excite me and somebody who can open a lot of doors and opportunities as far as seeing the other side of the world. I go for men with mature minds. So, nagkataon lang that there’s this 24-year age gap between Cesar and I.”

Sa playtime ni Kuya Boy sa kanyang “Fast Talk” segment , nang itanong ng host kay CSC kung size does matter (patungkol sa ari ng lalaki), walang kaabug-abog na sinagot ni Miss Charo ng “Of course!”, nang walang pag-aalinlangan.

Aliw ka Miss Charo Santos-Concio!

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.