Charlene Gonzales, nothing to be jealous about Angel Locsin

MAY KARAPATAN NAMAN talaga si Charlene Gonzales na ipagmalaki sa buong showbiz, na napakabait ng kanyang husband na si Aga Muhlach.  Kasi nga, kahit nakarating na sa dulo ng kanyang kasikatan ang guwapong aktor, hindi siya naging mayabang na para bang pumasok sa ulo ang popularidad na mayroon siya. Hindi pa masyadong uso sa showbiz ang handler ng mga sikat na artista, pero nu’ng binata pa ang alaga ni Manay Ethel Ramos, matsitsika mo ang aktor sa simple niyang ugali, na parang hindi siya sikat na artista.

Ang isa pa sa napakagandang ugali ni Aga, parang hindi niya alam na napakaguwapo niya. Bumubungisngis na lang siya kapag nalulunod na siya sa kapupuri ng mga tao sa kanyang paligid, at sinasabing panalo ang hitsura niya. Palakaibigan din si Aga sa mga babae, kaya du’n na lang nagsisimula ang pagkakaroon ng closeness na nauuwi sa relasyon. Hindi sanay si Aga na manligaw, kaya ang ending ay ang napakaraming babae sa showbiz ang nagpapakita sa kanya ng motibo.  Parang manok lang si Aga na tumutuka ng palay na lumalapit kapag type din niya. Kaya nga noon ay napagbibintangan din siyang playboy.

Maamo ang sex appeal ni Aga sa mga babae. Si Angel Locsin ang makakapagpatunay niyan, dahil magkasama sila sa pelikulang In The Name Of Love ng Star Cinema. Happy si Angel na nangyari pa sa career niya ang dating imposible na maging leading man si Aga. Walang selos na puwedeng maramdaman si Charlene kay Angel, dahil nu’ng nagsisimula pa lang ang movie ng Star Cinema, nagpakawala na si Angel ng mga salitang nirerespeto niya at hinahangaan din si Charlene.

PARA TALAGANG NABUNUTAN ng malaking tinik sa kanyang dibdib si Rayver Cruz, dahil plantsado na talaga ang dati’y naging kontrobersiyal na mga tampuhan at patutsadahang naganap sa pagitan nina Cristine Reyes at Sarah Geronimo, na siyempre pa’y siya mismo ang pinag-ugatan ng mga problema, dahil parehong nagkaroon ng kaugnayan sa kanya ang dalawang sikat na artista ng ABS-CBN. Nasaktan din nang sobra ang young actor, dahil marami ang naiinis sa kanya nu’ng hindi pa siya nagsasalita tungkol sa isyu ng hidwaan nina Cristine at Sarah.

Ngayon, nagsasalita na si Rayver, na talagang nahirapan siya sa pinagdaanang sitwasyon ng alitan nina Cristine at Sarah, dahil mahirap para sa kanya ang magbigay ng anumang pahayag. Pareho nga kasing napamahal sa kanya ang dalawang kontrobersiyal na aktres. Sobra ring nahirapan si Rayver, na kapag araw ng Sunday sa ASAP Rocks, madalas mangyari na kung nagkakasalubong sila ni Sarah ay nagkakailangan sila at nagkakaiwasan pa.

Aminado sina Rayver, Cristine at Sarah na talagang na-ging mahirap para sa kanilang tatlo ang gusot na pinagdaanan nila.  Hindi rin sila natutuwa na mayroong ibang taong nadadamay, na ang intensiyon lang naman ay magkaayus-ayos silang tatlo. Bongga nga ang nangyari, dahil ngayong nagkabati-bati na sila, okey na raw sa kanila kung pagsamahin sila sa isang project. Kung magkakatuluyan, isang maliwanag na love triangle na naman ito!

PERSONAL: GUSTO KO lang i-welcome dito sa Pinoy Parazzi, na kapamilya na pala namin bilang kolumnista ang hinahangaan at paborito kong si Atty. Persida Acosta (sa kanyang “Atorni First”) na isa sa mga Trio Tagapayo ng Face To Face ng TV5. Aliw na aliw ako kay Atty. Acosta kapag nagbibigay siya ng kanyang mga payo, dahil sobra siyang may puso at pang-masa talaga sa kanyang atake ng pagbibigay ng mga payong legal.

ChorBA!
by Melchor Bautista

Related Post

loading...

16 thoughts on “Charlene Gonzales, nothing to be jealous about Angel Locsin

  1. go angel.. :) we love you..
    insecure lang ang mga naninira sau.. wala kc clang achievements..
    ^^,

  2. charlene will never be insecured of angel locsin nor of anyone. besides, angel locsin is not a flirtatious girl despite of the fact that many guys are really interested in her. i think the detractors of angel locsin are the INSECURED ONES! they keep on putting her down but to no avail. the INNER BEAUTY OF ANGEL LOCSIN is always shining through. this is what makes her a cut above the rest.

  3. The truth is, ang nangangailangan nang publicity rito ay si Aga. Huwag namang gamitin ang Talk show for his benefit. Pati si Angel, nadadamay rin. Ka-level na ba si Robin Padilla at Mariel na publicity hungry rin ?

  4. Bakit ganon. I waited for the Buzz. An ang nangyari ? Halos ubusin ang oras sa interview ni Aga kay Charlene. OK lang na i-glorify ang birthday celebration nang isang host, pero ito, ang haba haba. Boring pa, Parang staged pa ang interview. Huwag namang ganoon. We want to also see what other actors and actresses are doing lately. Kaya nga nasa TV5 na si Aga. I felt cheated. Sayang ang ipinaghintay ko.

  5. Hindi dapat magselos si Charlene. Work is work. Kung medyo kokonti na ang projects, grab every opportunity. Aga needs the job. Sayang din.

  6. haay nako. gimik na naman ito para pag-usapan at kumita yung pelikula nina Aga at Angel. Kaasar. La na bang silang ibang maisip na paraan para imarket ang isang movie.

  7. @gossip girl:…grabe ka mkalait ha..ano masama kng anak xa ng maid?.bk8 msama nbng trbho ang maid?.kalurky ka bk8 mayaman ka girl?..ech0s m0 fr0g!.

  8. May isyu ba?………………well ganyan talaga basta sikat ginagawan kahit wala.Super sikat kc c Angel kayat maraming naiinggit na “palaka” sa kanya=P

  9. Hello friends, Irespeto na lng nating kung ano sila at wag natin bigyan ng ibang kahulugan yung ginagawa nila.

  10. Bakit ba daming galit kay Angel Locsin? Hindi ko ma gets kung bakit daming galit sa kanya. sa mga nakita ko sa mga interview sa kanya, parang mabait siya tingnan at parang respetado rin sumagot sa mga interview niya at parang humble din. Maganda ang katangian nya na she really takes good care of her blind father.

  11. kitang kita sa ebidensiya na mas maganda pa rin si Charlene G. kay Angel Locsin kaya walang selos sa katawan si Charlene dahil alam niyang lamang na lamang ang kagandahan ni Charlene G. kay Angel Locsin

  12. Kaya wala talagang dapat pagselosan si Charlene kay Angel, kasi di naman type ni Morning ang isang katulad ni Angel Locsin. Di ipagpapalit ni Aga si Charlene sa isang katulad ni Angel. Aba beauty queen yata ang Charlene at matalino, matangkad, maganda, etc…

  13. MGA INSECURE LANG KAU KAY ANGEL!!! DAHIL KAU ANG MGA MUKANG KATULONG BKA NGA MGANDA P PWET NI ANGEL S INYO!!! MGA ETCHUSERANG FROG!!!

  14. @gossip girl

    yabang mo nman, baka mas mayaman pa sa u si angel noh.. ano ba meron ka.. pati nanay nung tao dinadamay mo.. anong masama sa pagiging maid.. baka mas mukha ka pang maid sa nanay ni angel.. echoserang palaka..

  15. Kaya secure si Charlene Gonzales. Ang taba ni Angel Locsin ngayon, ano ba ang nangyayari sa kanya? Akala ko ba in love siya kay Phil Younghusband dapat naging inspiration si Phil para lalong gumanda si Angel Locsin kaso hindi eh. Mas mukha pang maganda si Phil Younghusband kay Angel Locsin.

Leave a Reply

Your email address will not be published.