CHARIZ SOLOMON, NAMBATO NG BASO SA WAITER NG ISANG BAR!

PANANDALIANG NATIGIL ANG KASIYAHAN sa isang bar sa Quezon City last Friday, 4:00 AM. Isang babae ang nagsisigaw at nambato ng baso sa isang waiter. Nagpupuyos sa galit ang kanyang kasamang lalake. Marami ang nag-usyoso at nagulat dahil ang babaeng ito ay ang TV host-comedienne at nasa cast ng Machete na si Chariz Solomon!

Pinigilan ng mga bouncer ang pagwawala ng aktres at kinausap ang kasamang lalake, na boyfriend pala niya, na umalis na lamang sa bar at sa labas na lamang pag-usapan ang kanilang sigalot. Habang palabas daw ng bar, tuloy pa rin ang pagsigaw at pagwawala ni Chariz, sobrang galit hanggang sa pagsakay sa kotse nito.

Upang kinawin kung ang komedyana nga ang babaeng binabanggit ng mga waiters at bouncers ng bar, tinawagan ko si Chariz. I verified ang pangyayari. Nagkita kami sa Alfonso, Cavite. Sa isang hotel sa Tagaytay siya tumuloy pagkatapos ng kaguluhan sa bar.

Kuwento niya, sobrang nainis siya sa boyfriend niya dahil maepal daw ito. Nagkasundo raw silang maghiwalay ng lugar kung saan gigimik upang ma-enjoy nila ang gabing ‘yon kasama ang kani-kanilang mga barkada. Pero nung nasa kalagitnaan na raw ang gabi, kinulit daw siya ng boyfriend na sumama na rin sa bar kung saan sila gumigimik. Pumayag naman daw siya. Pero pinaghiwalay daw niya ng cubicle ang lugar ng bawat isa upang hindi magkailangan ang mga kaibigan niya at mga kaibigan ng boyfriend niya.

Alas-kuwatro ng madaling-araw, nagbago na daw ang timpla ng boyfriend niya at umastang bodyguard niya. Binabantayan lahat ng ginagawa niya at nag-aaya nang umuwi. Hindi raw maintindihan ni Chariz ang pangungulit nito. Nakiusap pa raw siya rito na maghintay na lang muna, kung hindi ay mauna na. May sarili naman daw siyang kotse. Hindi pa rin daw pumayag ang boyfriend niya. Nagsisima-ngot at nangungulit na. Kaya sumiklab na ang inis ni Chariz, feeling daw niya ay napapahiya siya sa mga kasama niya at mga taong nasa loob ng bar.

Dahil sa nangyari, sa Tagaytay na lamang daw nag-stay si Chariz, walang dalang damit kundi ang suot na sando blouse at shorts na suot pa niya sa gimikan.  At dahil may taping din ang Machete ng 7 PM sa Alfonso, Cavite.

During my interview, basa pa ang buhok ni Chariz at nakabalot ito ng malaking tuwalya, ang sando blouse pa rin ang suot-suot. Nag-iisa pa lang siya at wala pa ang mga crew, kaya nakiusap siya na samahan ko muna siya.

Humihingi rin siya ng paumanhin sa mga waiter na nabato niya ng baso at sa pamunuan ng bar dahil sa gulo na nagawa niya.

Sa ngayon, maayos na si Chariz, pero mukhang magtatagal pa raw bago sila magkaayos ng boyfriend niya.

The Lion’s Guard
by Gary de Leon

loading...

One thought on “CHARIZ SOLOMON, NAMBATO NG BASO SA WAITER NG ISANG BAR!

  1. eskandalosa hindi pa man lead star…paano na kung mag ala mariane ang status baka sobra2 pa ang kagaspangan ng ugali.

Leave a Reply

Your email address will not be published.