Chariz Solomon, nagpaliwanag sa pagwawala sa bar

NAKU! NAG-REACT SI Chariz Solomon sa isyung lumabas dito sa Pinoy Parazzi. Tungkol ‘yon sa pagwawala raw niya sa isang bar at binato pa raw niya ng baso ang isang waiter doon. Napag-usapan namin ito sa Tweetbiz Insiders na napapanood sa GMA News TV tuwing alas-siyete ng gabi dahil kasama naman doon si Chariz.

Nangyari raw ito sa Excess bar sa Timog nung nakaraang Linggo na kung saan dumalo siya sa birthday party ng isang kaibigan. Nasa isang VIP room daw sila nung bar, kaya kung magkagulo man, hindi ito gaanong mapapansin. At hindi raw totoong may binato siyang waiter.

Kuwento ni Chariz, dumating daw kasi ang non-showbiz boyfriend niya na sinusundo na siya at pinapauwi na. Ayaw pa niyang umuwi dahil nagkakasiyahan pa sila. Namimilit daw itong boyfriend niya, kaya nagtalo raw sila. Natabig daw ni Chariz ang isang ice bucket, nadamay pati ang mga baso. Pero hindi raw niya ibinato ang mga ‘yon.

Hindi rin daw siya pinaalis ng mga bouncer, siya na ang kusang umalis dahil sa pagkairita sa boyfriend niya. Katsikahan pa raw niya ang may-ari ng bar, kaya kilala na raw siya roon. Hindi na raw siya kailangang palayasin ng mga bouncer.

Dahil daw sa nangyari, nag-away sila ng boyfriend niya at ‘yon daw ang dahilan kaya sila nag-break.

Nung kinausap namin si Chariz sa Tweetbiz, sabi niya, mag-uusap pa lang daw sila ng boyfriend niya kung magkakaayos pa sila o tuluyan na silang magbi-break. Malaki kasi ang agwat ng edad nila ng boyfriend niya at magkaiba sila ng hilig, kaya madalas na nag-aaway sila.

HINDI LANG PALA ako aware, pero sobrang sikat pala itong mga ba-gets ng GMA-7 sa Tweenhearts.

Kaya consistent na rater itong Nita Negrita dahil sina Barbie Forteza at Joshua Dionisio ang bida. Bukod sa dalawa, hit din sina Jake Vargas at ang ka-loveteam niyang si Bea Binene na nasa Tweenhearts din. Feeling ko, sila ang susunod na bibigyan ng project ng GMA-7.

Ang isa pang hit na hit ngayon, itong tambalan nina Elmo Magalona at Julienne San Jose na pinasikat ng Party Pilipinas. Kahit saan sila mag-guest, lalo na si Julienne, nagri-rate talaga. Napaka-OA pa ng mga fans nila na sobrang mga seloso.

Ang latest kasing naririnig ko, crush daw ni Joshua si Julienne at nahuli nga raw sila ng ilang reporters sa Party Pilipinas na dalawang beses na nagbeso! Sinabi pa raw ni Joshua na talagang crush niya si Julienne. Naku, tiyak na magri-react ang mga fans ng tandem nila ni Barbie na tinatawag na JoshBi!

Si Julienne naman, eh parang kinikilig nang tinanong ng mga reporter tungkol sa pagbeso sa kanya ni Joshua ng dalawang beses. Tiyak na magkakagulo ang mga fans nila sa pagri-react!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.