Chariz Solomon, ipinasyal ang buong pamilya sa Hong Kong !

VERY MEMORABLE ANG recent Hong Kong trip ng GMA-7 prime comedienne na si Chariz Solomon, dahil fi rst time nitong nakasama ang kanyang buong pamilya sa ibang bansa, kung saan inilibre nito ang kanyang mga kapatid.

Kasama ni Chariz na lumipad patungong Hong Kong ang kanyang mga kapatid na sina Robert, Bobby, Jiro, Walken, KC, Raymond, Dave, at Tin, at ang kanyang BF na si Nestor para sa

ilang araw na bakasyon sa Hong Kong.

Magkasamang nilibot ni Chariz at ng kanyang pamilya ang Hong Kong Disneyland mula sa Fantasy Garden, Fantasy Train Station, It’s A Small World, The Golden Mickey’s Philar Magic, Space Mountain, Stitch Encounter, Tomorrow Land, Journey Into Future, Space Traders, Buzz Lightyear Astro Blasters, The

Golden Mickey, Festival Of The Lion King, Tarzan’s Tree House, at Jungle River.

‘Di rin naman nakaligtas ang ilang Disney characters sa grupo, kung saan nagpa-picture ang mga ito sa kanila tulad ni Buzz Lightyear, at iba pa.

Nag-enjoy rin ang grupo sa Disneyland 2011 Snow Parade, kung saan parang totoong umuulan ng yelo habang pumaparada ang Disney characters sa pangunguna ni Mickey at Minnie Mouse, Toy Story Cast, Little Mermaid at Disney Princesses.

Nilibot din ng grupo nina Chariz ang Ocean Park, kung saan sinakyan ng mga ito ang iba’t ibang rides tulad ng Flash, Wild West Mine Train, Raging River, atbp. Nag-enjoy rin ang grupo sa nakamamanghang Sea Lion at Dolphin shows.

Clickador

By John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.