Charice, walang panahon sa lovelife

MUKHANG CAREER MUNA ang priority ni Charice ngayon at nasa backseat ang usaping pag-ibig. Abala siya ngayon sa kaliwa’t kanang projects and she will start taping for the hit US television show Glee kaya may panahon pa ba siya sa kanyang love life?

It seems she is following the advice of Mareng Oprah to concentrate first on her skyrocketing career before she entertains suitors. Okay naman daw kay Charice ito dahil hindi pa raw siya handang makipag-boyfriend. Pangarap din niya na maging lawyer kaya hindi siya nagmamadali to have a boyfriend. Darating ang tamang lalaki sa buhay ni Charice sa tamang oras at pagkakataon. Who knows her prince charming is just around the corner?

Speaking of Glee, Charice will portray a Filipino exchange student on the show. She is proud to be Pinoy kaya naman hiniling talaga ni Charice na gumanap siya bilang isang Filipino student bilang pagpaparangal sa sariling bansa. “Sinasabi ko po sa kanila na hindi puwedeng hindi Filipino ang sasabihin nila.” Mommy Raquel added, “Iyon din po iyong in-insist namin sa producer.”

Nilinaw din ni Charice ang lumabas na balita na tumataginting na 100,000 dollars or 4.6 million pesos ang singil niyang talent fee kada show. “I’m just starting. Siyempre iniisip siguro nila iyong achievements na narating ko kaya nila sinasabing ganoon kalaki, pero for me wala akong alam sa talent fee ko.”

Patuloy na iniaakyat ni Charice ang bandila ng Pilipinas sa world arena. From being a YouTube sensation ay naging sunud-sunod ang mga suwerte ni Charice: international television guestings and concerts, rubbing elbows with big-named stars, having Mareng Oprah and Kumpareng David Foster as godparents, having a successful international self-titled debut album and hit single Pyramid na pumasok sa Billboard chart, and now an acting role in Glee.

Gaya ng sinabi ni Mareng Oprah, Charice will continue to prove that she is indeed the “the most talented girl in the world.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Previous articleDating Child Star, Mukha nang Dugyot sa Sobrang Pagdo-droga!
Next articleNyoy Volante, nagbago na ng tunog?!

No posts to display