Charice, wala nang itinatago!

MAINIT PA ring pinag-uusapan ang kasarian, style ng buhok at tattoo ni Charice.

Last May 12, lumabas sa blog na fashionpulis ang bagong larawan ni Charice na kuha diumano noong 21st birthday celebration niya pero hindi malinaw kung kailan ginanap ang kanyang birthday celebration pero ang birthday niya ay noong May 10.

Makikita sa mga larawan ang isang naka-sando na si Charice sa dalawang magkaibang poses. Kapansin pansin ang tattoo ni Charice sa kanyang kanang braso at sa may ibabaw ng kanyang dibdib.

Hindi malinaw kung ano ang nakasulat sa kanyang mga tattoo sa braso pero parang pangalan ito. Ang tattoo naman sa kanyang dibdib ay parang isang mensahe naman ang nakasulat.

Nauna nang nakita ang pangalawang tattoo ni Charice sa dibdib nitong Pebrero nang nagpunta si Charice sa Japan.

Matatandang Mayo noong nakaraang taon, lumikha ng ingay ang unang tattoo ni Charice. Nakita ang nasabing tattoo na ang nakasulat ay ‘love eternally’ sa presscon niya noon para sa X-Factor.

Base raw ito sa kanyang lovelife. Kuwento pa niya sa abs-cbnnews.com noon, “I never knew to love until someone broke my heart.

“Actually it’s a true story but I’d rather not tell the story. I know a lot of people kapag nabasa nila ‘yan makaka-relate. Again talagang kapag naglalagay ako, may meaning. When I put something like this there’s a meaning.”

“It’s part of me. It’s part of the look and everything. Let’s just say it’s an accessory.”

Anyareee? Tanging si Charice lang ang nakakaalam.

 

HUMARAP MAN sa Rated K si Marjorie, hindi naman ito nagsalita tungkol sa photo scandal, ang binigyang-linaw lang niya ay ang tungkol sa family feud ng mga Barretto. Kasama ni Marjorie si Julia nang makapanayam ni Korina sa show na lumabas last Sunday May, 12.

Sumentro ang usapan nina Korina at Marjorie sa patuloy pa ring gusot sa loob ng pamilya Barretto. Nanatiling tahimik sa gulong ito si Marjorie kahit na ang pinag-ugatan ay ang kanyang anak na si Julia na diumano ay ayaw ni Claudine na pumasok sa Star Magic.

Paglilinaw ni Korina kay Marjorie, “What do you have to say about what happened? Medyo tahimik na pero wala pang naririnig ang publiko sa ‘yo?”

Seryosong tugon ni Marjorie, “It’s hard kasi mag comment Korina because… how do you fight with your mother, right di ba? It’s hard to comment even up to now. But siguro mas pangit sa pananaw ng tao than what is really happening inside. Pero ako, I don’t know if I am ready to talk about it yet, pero alam ko sa sarili ko, alam ko ang katotohaan, I know who was telling the truth and that what matters.”

Dagdag pang tanong sa kanya, “Is it right to say that the family is split right in the middle? Two siblings against two other siblings with the mother, ganu’n ba ‘yun?”

Malungkot na tugon ni Marjorie, “Actually that wasn’t suppose to end up that way, siguro kung hindi involved ‘yung media hindi na nagka-split, eh. Marami kami Korina you know that, right? Pito kaming magkakapatid hindi lang naman kaming tatlo lang. I know that in time, maybe someday, makikita namin ano ba talaga ang gusto naming ma-achieve as a family rito? Ano bang gusto naming maayos dito. But right now, I am enjoying the space.

“Ano ang secret mo kung papano mo ipinaliwanag sa mga anak mo ‘yung mga nangyayaring ganyan?” dagdag pang tanong ni Korina.

Lahad ni Marjorie, “I tell my children everything I don’t keep anything from them whether its good or ba, basta alam nila lahat,  they get the truth from me. That’s what’s important.”

Sa lahat daw ng ito, ang mahalaga kay Marjorie ay ang kapakanan ng kanyang mga anak.

Sabi niya, “My life has been an open book to them- to my kids, like I said I, told them everything. So, kung anong mga pagkakamaling nagawa ko along the way, ‘yun na lang ang huwag n’yong tularan. ‘Yung mga nakikita mong magandang nagawa ko eh, ‘di sundan n’yo. ‘Yung mga nakita n’yong hindi tama, huwag n’yo na lang gayahin, they will be spared a lot of pain.”

Sure na ‘to
By Arniel Serato

Related Post

loading...

5 thoughts on “Charice, wala nang itinatago!

  1. naturally i understand the feelings of charice’s mother at first my denial but eventually matatanggap mo din yan at dapat tanggapin kung san msaya ang anak mo supportahan mo :) pero sana hindi lang sa masamang bagay in the other side i hate charice being so pathetic…. sometimes i never doubt to believe that it’s true that she engaged herself to devil being illuminati LOL

  2. TRULILI BANG NAGTANAN SI CHARICE AT SI ALYSSA QUIJANO? HOMAYGASH! I MEAN, TANGGAP KO ANG PAGIGING TIVOLI NYA. BAKIT NAMAN HINDI? KUNG TIVOLI, EH DI TIVOLI. PERO YUNG PARANG PAGREREBELDE NYA SA PAMILYA NYA AT ITO NGANG BALITANG PAGTANAN, MAYGASH! HANOKAVAH, CHARICE???

  3. nakikiramay po ako sa pamilya ni tita swarding . igalang na lang natin si charice kung saan siya maligaya ay dapat maging maligaya na rin tayo ang importante wala siang inaagrabyado

    • tama ka. epal kc ng iba pakialamera, kung san masaya c charice dun siya buhay niya yan walang pakialamanan

Leave a Reply

Your email address will not be published.