Charice, umaming may ‘special girl’
“Opo, tomboy po ako!”

MATAGAL NANG usap-usapan ang ‘pagpapalit’ ng sexual preference ni Charice mula nang magbago ito ng hairdo at magbihis lalaki. Bagama’t maraming nakikisimpatiya sa kung anuman ang ‘gusto’ ng international singer, wala pa ring tahasang pag-amin mula sa kampo nito o sa kanya mismo. Hanggang kahapon sa showbiz-oriented talkshow na The Buzz ng ABS-CBN.

Sa interview ng host na si Boy Abunda, hindi muna diretsong sinagot ni Charice ang tanong tungkol sa kanyang kasarian.

Parang may pag-aalinlangan pa si Charice sa kanyang panimula. “Tito Boy, meron po akong chance na gawin po lahat ng ito internationally… pero pinili ko po rito (sa bansa), dahil malaki po ang utang na loob ko sa mga Pilipino. Dahil na-feel ko na gusto kong sila ‘yung makaalam kung anuman po ako, kung sinuman po ako.”

Sa sumunod niyang pahayag, diretso na itong umamin. “Opo. Tomboy po ako.”

Dagdag pa ni Charice, “Hindi ko po alam kung ano ang problema du’n. Kasi para po sa akin, wala pong problema ‘yun.

“Ngayon, gusto ko pong humingi ng patawad sa mga hindi po nakaintindi, sa mga hindi po ako matatanggap. Sorry po. Naiintindihan ko po kayo. Pero sa lahat ng makakatanggap, matatanggap po ako, maraming-maraming salamat po.”

Para kay Charice, isang malaking tinik sa dibdib ang nabunot sa kanya nang aminin niya ang tungkol sa kinukuwestiyong kasarian. Malaya na aniya siyang makalalabas ng bahay nang walang itinatago.

“Sa ginagawa kong ito, gusto ko lang na sabihin sa inyo na ang gaan ng pakiramdam ngayon,” maluha-luhang sabi ni Charice. “Na makakalabas ako ng bahay na wala akong itatago, na wala akong masasagasaang tao… dahil wala akong itinatago!”

Humingi naman siya ng paumanhin sa taong sa palagay niya ay nasaktan o masasaktan niya sa kanyang paglaladlad. “Sorry, Mommy… Carl (kapatid na lalaki ni Charice)… pero ito ako. Proud ako sa sarili ko. Mahal ko ang sarili ko kaya ko po ginagawa ito.

“Sa mga fans ko, alam ko na marami sa inyo na… alam ko, marami sa inyo, disappointed. Alam ko nga ilan sa inyo siguro, tatalikuran na ako. Sorry. Alam ninyo na sincere akong tao, from the bottom of my heart, I’m sorry. Naiintindihan ko,” ani Charice.

Inamin din ni Charice kay Kuya Boy na nagkaroon na siya ng mga nakarelasyong babae noon. “Siyempre po hindi ko naman masasabi kung sino ‘yung mga nakaraan. Pero, opo naman, na-experience ko na po ‘yan.”

Hindi man tahasang sinabi ni Charice kay Kuya Boy, malinaw rin na may ‘special relationship’ ang singer kay Allyssa Quijano na member ng female group na AKA Jam, finalist sa The X Factor Philippines. Malakas kasi ang usap-usapan na nakikipag-live-in si Charice kay Alyssa.

“Matagal na po kaming magkakilala, nagkakilala kami nine years old siya, ten ako. Sa mga singing contest po, nagkakalaban kami lagi. And then nagkita po kami uli sa X Factor. Pero ang masasabi ko lang po, siya sa buhay ko, she’s an inspiration. Isa po siya sa pinagkukunan ko po ng lakas ngayon. She’s a very special person,” saad niya.

Nang tanungin ni Kuya Boy kung mahal niya si Alyssa: “Sana mabuksan n’yo ‘yung puso ko para makita ninyo ‘yung sagot!”

Kinulit pa ni Kuya Boy na kung bubuksan ang puso niya, “Is it a yes or a no?” “Malakas po ang tibok,” tila kinikilig pang sagot ni Charice.

Sa tanong kung nagtanan ba sila ni Alyssa, hindi niya naman ito diretsong sinagot. “Tito Boy… ano, ha? Parang masyado akong binata!”

May mensahe naman si Charice sa mga taong ayaw kay Alyssa: “Basta po ang masasabi ko lang, hindi naman nila kilala si Alyssa. They don’t know how amazing she is!”

 Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

loading...

34 thoughts on “Charice, umaming may ‘special girl’
“Opo, tomboy po ako!”

  1. ganyan talaga pag walang pumapatol na lalake nagiging tomboy, c aiza binasted ni spencer ayan nag tomboy, ampapangit kse e futa, tikim muna ng etits pag me time bwahahahahah

    • HOW SURE ARE YOU NAMAN NA HINDI DUMAAN SA GANYANG ISSUE SI AIZA? ANG NAKIKITA KO LANG NA RASON EH NUNG TIME NI AIZA, HINDI PA BIG DEAL ANG SOCIAL NETWORKING AT ANG TECHNOLOGY KAYA WALANG MGA STOLEN SHOTS, WALANG BASHERS, WALANG MASYADONG OKRAYAN? DEVAH? PLUS, ANG FAMILY NI AIZA EH INTACT AT NAG-COME OUT NA AGAD SYA SA FAMILY NYA BAGO PA SA PUBLIC. AT SA INTERVIEW NI MOMMY CARING EH ACCEPTED NYA NA AGAD SI AIZA. ISA PA, SI CHARICE KASI EH MAY INTERNATIONAL FAME NA BUONG MUNDO EH NAKATUTOK SA KANYA. DEVAH? SO BUONG MUNDO ANG NAG-BASH SA KANYA.

      ANG LATEST CHISMAX EH 750 MILLION PESOS PALA ANG PERA NI CHARICE SA BANK KAYA PALA NAGSABI SYA NA KAHIT DI NA SYA MAGTRABAHO, MAKAKAKAIN NAMAN SYA. KAYA PALA NAKABILI RECENTLY NG BMW. AT KAYA RIN SIGURO MALAKAS ANG PAGKAKAKAPIT NI ALYSSA. HAHAHAHAHA. KALOWKAH!

  2. DAPAT NGA HUMANGA KAYO KAY CHARICE DAHIL MATAPANG SIYA NOH! UMAMIN NA SIYA SA TUNAY NYANG PAGKATAO..d TULAD NG IBA DYAN..

  3. Dyuskoday parang kelan lang…Ang batang maliit at panget pero magaling Ang boses na si charice, naka-pony tail at ribbons pa Ang buhok akay-akay ni Celine dion Sa stage…ngayon humihimas na ng pagong…kaloka!

    • hindi ako nasorpresa na nagladlad si charice, tulad ni aiza parehong mukhang silang konduktor ng philippine rabbit

      • taena dami ko tawa sa comment nyo bwakokkok tama yan charice magtomboy ka na lng ang pangit mo e 

  4. Bakit naman nasayang ang buhay ni charice?? mga anak kayo ng teteng umamin lang nasayang na kagad buhay?? hindi ginusto ng magulang ni charice na maging ganyan sya at lalong lalu na hindi ginusto ni charice na maging tomboy sya..wala sa pananamit,wala sa itsura at wala sa pananalita ang pagging tomboy or bakla man..kundi nasa Puso!! nsa puso yan!! Oo nasa puso yan kusa nalang mararamdaman sa maniwala kayot sa hindi yan ang totoo nsa puso talaga!!!! kung alam nyo lang kung gaano kahirap ang pakiramdam ng katulad ni charice sobrang mahirap. atleast sya hanggat maaga naglakas loob syang aminin kahit mahirap pra sa kanya lalu na sa career nya..eh un iba nga until now closet prin..kaya dapat umamin na din sila Piolo Pascual at Yeng Constantino!! hahaha

    • okay, tomboy  kung tomboy dahil yun ang nararamdaman niya.pero bakit kailnagan pa niyang magpa tattoo. pwede namang maging lalaki kahit walang tattoo. para decent looking
      man lang sana kahit na damdaming lalaki siya. sumobra naman ang paglaladlad na ginawa niya. paran siyang si rustom, hindi makuntento sa pag amin, dinaig ang mga tunay na babae at lalaki.  Nagsisimba ba kaya si Charice? Ngayon at walang makahahadlang sa gusto niya ay parang proud na proud pa siya sa kanyang kapintasan. hindi katangian ang maging tomboy o bakla. Hindi ko sinasabi na dapat silang pulaan, ang ibig kong sabihin. kung paanong di dapat pulaan ay mas lalo na di dapat ipagmalaki.

    • So lahat pala ng tomboy at bakla baluktot na buhay? Agad agad?? Wag ka nga magpatawa Cristino..ikaw ang baluktot!

Leave a Reply

Your email address will not be published.