Charice, sinabing sinungaling ang kanyang lola?

Charice 1 ChariceILANG BESES na naming sinubukang hingan ng reaskyon si Charice Pempengco tungkol sa nabalitang naghihirap na raw siya, naubos na ang kinita niya at ibinebenta na raw niya ang property niya sa Tagaytay, kung saan ang kumpirmasyon ay nanggaling mismo sa Lola Tess nito. Pero laging umiiwas si Charice.

Nu’ng una ay nagmamadali ito dahil may show pa, nu’ng sumunod na Linggo sa ASAP, may sakit naman daw ang singer.

Iwas mang magpaunlak ng interviews sa media, nilalabas naman niya sa social media ang panig tungkol sa mga lumalabas na isyu. May isang tweet pa nga si Charice na sinabing sinungaling ang nagsasabi nito, na ‘di klaro kung ang pinatutungkulan ay ang kanyang Lola Tess.

Mukhang imbes na maayos ang gulo sa pagitan nila ng ina, lalo pa itong lumalalim habang tumatagal. Sa taong ito, nawa’y maayos na anumang problema sa pagitan ng mag-ina, lalo’t alam namin na parehong mabigat sa kanila ang nangyayari sa kanilang pamilya.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

3 thoughts on “Charice, sinabing sinungaling ang kanyang lola?

  1. ANO???????? melba the writer…….mabigat sa kanila ang nangyayari sa kanilang pamilya……MABIGAT BA???? eh paano na kaya yung mga nakatira sa lansagan yung mga nakatira sa..squatters area..yung mga walang makain……….nagpapatawa kaba ang gaan nga ng buhay ng tiborsyang ito kumakain ng masarap nakahiga sa malambot na kama nakatira sa mansyon nag dradrive ng sports car…international singer dati pero ngayon laos na dahil sa pinas nalang sya…..

  2. Ba’t ba pag sumikat ang isang artist, yong pamilya talaga nito ang unang masira.. Pera is the root of all evil kasi.

Leave a Reply

Your email address will not be published.