Charice Pempengco, tinalikuran na ang pagiging Pinoy?!

OLA CHIKKA! MARAMI ang nagtaas ng kilay nang mabalitaan ang eksenang naganap sa pagtatangka ng ating kasama-han sa hanapbuhay na interbyuhin ang kinikilalang international sensation na si Charice. Ang eksena kasi, kahit ni hi ni ho, wala man lang silang nakuhang video sa nasabing singer dahil sa mga naglalakihang mga bodyguard nito. At kahit isa sa mga local media ay wala man lang makalapit sa tent nito.

Ayon naman sa mga staff du’n at depensa rin ng ina, sadyang sumusunod lamang ang singer sa mga regulasyon na ibinigay ng kanyang manager kaya’t hindi talaga siya makakapanayam, dahil ang ipinunta niya lamang dito sa ‘Pinas ay para mag-show. Taray!

Kung si Apl de ap na mula sa grupo ng mga sikat at batikang performer na Blackeyed Peas eh, hindi nagawang dedmahin ang kababayan natin at sadyang idinudugtong ang pagka-Pinoy, maging sa kanilang mga kanta ay naisasama pa ang pangalan ng ating bansa. Kaya naman hindi nakapagtataka na hanggang ngayon ay sikat na sikat at marami pa rin ang nagmamahal sa kanilang grupo. Kaya tingnan na lang natin kung hanggang saan makaaabot ang kasikatan ng ating si Charice Pempengco, este Charice lang pala dahil maging apelyido niya ay ipinagbawal nang gamitin. Oh, say n’yo?

Kung nasa puso mo naman talaga at kagustuhan mong gawin, kahit pagbawalan ka ay gagawa ka ng paraan upang maipahayag ang pasasalamat mo. Kahit na sabihing ipinagbabawal pa mismo ng sikat na sikat na si Oprah Winfrey na magpa-interview, ano ba naman na kahit ngiti man lang para sa mga media ipagkakait mo pa? Sana’y magtagumpay siya sa landas na kanyang tinahak upang hindi masayang ang kanyang talento, kung maalala niya ang ‘Pinas… salamat! Kung hindi naman… care namin? Ha-ha-ha!

HUWAG NA LAMANG siyang matulad dito sa komedyanteng si Vice Ganda na noon ay very in-demand pa ngunit ngayon ay mukhang kinau-yaman na ng mga tao dahil maging ang kanyang pinagho-host-an na Showtime ay bumabagsak na rin sa ratings. Paulit-ulit na lang ang mga napapanood at sa haba ng oras ng kanilang programa dahil sa pagkapilay sa noontime schedule ng program ng Dos ay talagang nagsasawa na ang mga tao.

Dagdagan mo pa ng kanilang Korean judge na si Ryan na sobra sa pagka-exaggerated na sa simula lamang nakakatuwa, ngunit nu’ng tumagal ay nakakainit na ng ulo. Hindi magtatagal ay nakikini-kinita ko nang matsutsugi na rin ang programang iyan. At tiyak ‘pag nangyari iyon, laking problema na ng management ng Dos kung papaano nila muling bubuhayin ang ratings ng kanilang noontime programs.

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Mahulaan n’yo kaya itong sikat na sikat na couple na noon pa man ay on-off na ang drama dahil sa misunderstanding sa isa’t isa?

Madalas nali-link itong si hubby sa iba’t ibang showbiz girlets dahil nga sikat at madatung, kaya naman itong si wifey ay laging broken-hearted at hindi naglaon ay mukhang nasanay na siya kaya’t maging siya ay nalilink na rin sa ibang showbiz guy! Nalilink or nililink ang sarili? Paselos effect ba ang drama ni wifey?

Uh-oh! Mukhang hindi ito umubra kay hubby dahil matapos manahimik ng kanilang love story ay mukhang gumagawa na naman sila ng eksena at nagsisimula na namang mambabae itong si hubby habang si wifey naman ay natuto nang manlalaki, para magpaselos o para sa kagustuhan na rin niya? Hmmm… whatever!

Sa dami ng kanilang salapi, kahit ilang babae at lalaki pa ang bilhin n’yo ay kering-keri n’yo ‘yan! Pak!

‘Wag n’yong sabihing hindi n’yo pa rin gets, ha?! Kung ganu’n, pakisubaybayan na lang po sa aming programa ni Lady Camille sa DWSS 1494 kHz weekdays from 11:30 AM to 12 NN upang makigulo at maging una sa mga chikka. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo mula 2:30 to 3:30 pm. Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleJohn Lapus, may launching movie na rin!
Next articlePrediksyon sa mga Bituin

No posts to display