Charice Pempengco, OA ang kadramahan – Archie de Calma

SOBRANG OA (OVER-ACTING) ang mag-inang Charice Pempengco at Mommy Raquel niya nang mag-guest sila kamakailan sa Ruffa & Ai. Kung tinablan ang hosts na sina Ruffa Gutierrez at Ai-Ai delas Alas, sorry, pero hindi ang ordinary televiewers na ang karamihan ay nagsasabing parang wala nang katapusan ang emote ng mag-ina mula nang magkapangalan si Charice.

Subject na rin ng intriga ang mag-ina, pero ‘yung sa Ruffa & Ai, parang wala namang kawawaan ang pag-iyak-iyak nila over some petty matters na hindi naman maintindihan ng maraming televiewers kung bakit sila nag-e-emote ng ganoon. Para silang mga KSP (kulang sa pansin).

Hintayin na lang na maglabas ng international album si Charice nang sa gayon ay hindi ito napupulaan na parang name-media-hype na lang ang mga ginagawa. Hanggang hindi pa natatanggap bilang legitimate recording artist si Charice na may maipagmamalaking album sa US  na bebenta, sa palagay namin, dapat magpreno ang mag-ina sa kanilang walang hanggang pag-e-emote.

NAGUGULAT PA RIN si Kaye Abad sa pagtanggap ng fans sa tambalan nila ni Guji Lorenazana. Nag-umpisa lang ito sa Precious Hearts Romances Presents Bud Brothers,” lumipat ang mas matinding init sa sumunod na Somewhere in my Heart. Masasabi ngang pagkatapos ng chapter sa personal na buhay at career nina Kaye at John Lloyd Cruz, nakatagpo ng bagong effective na ka-loveteam si Kaye in the person of Guji.

Yes, may Kayji fans na kumbaga, isang malaking fans club daw ito na sumusubaybay sa career ng dalawa sa ngayon! Inusisa namin si Kaye kung nami-miss pa rin niya si Lloydie.

“Close pa rin kami,” sabi ni Kaye. “Sa ngayon, ‘yun lang muna ang masasabi ko.”

Parang hindi pa rin kasi malinaw ang kung anumang namagitan sa dalawa, but Kaye swears that they’re okay. Natutuwa na lang daw siya na sa pagbabalik niya, malaking artista na talaga si Lloydie na naipapareha na sa iba, at siya rin naman, mukhang nagke-create ng mania ang tambalan nila ni Guji na mukhang kinakikiligan ng fans.

Hindi pa rin nga makapaniwala si Kaye dahil pagkatapos ni Lloydie, lahat ng iba pang naitambal sa kanya ay hindi umepek at mukhang si Lloydie pa rin ang hinahanap. Obviously, nakakawala na si Kaye sa anino ng aktor kaya ramdam na ramdam na ang pagbabalik ng aktres, na bukod sa Somehere in my Heart, nagsimula na ng taping for Ruby na pinagbibidahan ni Angelica Panganiban. Tampok din siya sa World War II indie film na Iliw (nostalgia), kasalukuyang bahagi ng CineManila, kung saan kapareha niya ang Japanese actor na si Hiroyuki Takashima, sa direksyon ni Bona Fajardo.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

19 thoughts on “Charice Pempengco, OA ang kadramahan – Archie de Calma

  1. After watching MJ’s This is it, confirmed ko na Charice is a liar. Masyadong naghallucinate ang taong ito. If ever na kasama talaga siya ni michael sa London concert, eh sana kasama na siya sa rehearsal. Michael is a perfectionist artist, gustong maplease ang audience, sana pinagrehearse na siya. Huwag siyang sinungaling. Yes, she’s a good singer, very good din palang magfabricate.

  2. nasan ka sa concert ni Michael Jackson dun pa lang sobrang BOPOLS na ng bata na ito. Talented pa naman sa singging sana huwag naman sa pagsisinungaling

  3. i miss d kaye abad and john llyod team-up…
    and tabing ilog and tgis ang 2 sa mga plbas na tlgang cnubaybyan ko.
    nkita kong ngaclaki..nagka-asawa…at ung mga active prin hanggang ngayon
    and also baron and jodi grabeeeeeee
    miss dat 2 shows!!!

  4. Ayan nag-aaway na sila, bakit kaya? Lol! Ahmmm hindi ko alam kung cnu paniniwalaan ko 2ngkol kay Charice eh, mas lamang kc ang negative issues na nababasa ko. ^_^

  5. CHARICE PINAGYAYABNG MO SI OPRAH AKALA MO IKAW LANG NAGING GUEST NI OPRAH MAYROON DIN PINAY NAKA BASED SA SINGAPORE NA 13 YEARS OLD LANG NA BELEIVE NATUTUWA TALAGA SI OPRAH DAHIL MAGALING KUMANTA.E IKAW BAKA NAAWA LANG SAYO SI OPRAH DAHIL BANSOT KA & MUKHANG MASCOT.

    • It’s true, but the big difference is that Oprah took Charice in her wing. Oprah is now her manager under Harpo Productions.

  6. SOBRA NGA OA SI CHARICE AKALA MO PRODUCER KASOSYO NI OPRAH.SA INTERVIEW SA ABS K CHARICE TUNGKOL SA SHOW NANDOON ANG JOURNEY & ARNEL PINEDA SA OPRAH SHOW PINALALABAS SA SABI NI CHARICE NA SIYA ANG NAG ENDORSE PARA MA INTERVIEW NI OPRAH SI ARNEL.KAPAL TALAGA MUKA NITONG PANGIT NA CHARICE AKALA MO SUPER SIKAT PURO PUBLICITY LANG PATI SI MICHAEL JACKSON GINAMIT NIYA GUEST RAW KUNO SA CONCERT NI PANGALAN SA LISTAHAN NG GUEST & REHEARSAL WALA SIYA.CHARICE WAG SOBRANG YABANG KAYA DAMING AYAW SAYO MABUTI PA SI ARNEL DI KINAHIHIYANG MAHIRAP SIYA HUMBLE SIMPLY.APLE DE AP(BLACK EYE PEAS) NA INTERVIEW RIN K OPRAH PROUD SIYANG PINOY PERO DI MAYABANG,LEA SALONGA DAMING INTERNATIONAL AWARDS PERO DI MAYABANG DAMI INTERNATIONAL PINOY ARTIST ,CHAMPION TULAD NI PACQUIO,DONAIRE,ETC DI SILA MAYABNG TULAD MO.SA LAPAD NG MUKHA MO CHARICE YAN DIN KAPAL NG MUKHA MO

  7. naku ha ang nega ng writer na to! please lang. pasalamat nga tayo, may pinoy na umaangat! we should be happy for them instead of pulling them down. their achievements alone, lalo na international — thats reason to be proud. galing sila charice sa hirap, madami silang mga pinagdaanan sa buhay kaya malalim ang pinaghuhugutan ng mga emotion ng mag-ina. kung naiiyak sila, its their right.

    charice, madami kang fans. just dont mind the detractors who cannot be happy for other succesful people.

    • Lagi kong nababasa ang term na “crab mentality” pag si Charice o Arnel Pineda yung item. Pero pag ibang artista ang inookray absent tong term na ito. Pinaygurl, “crab mentality” can be used on other artistas as well. Di lang ito exclusive kay Charice o Arnel.
      Tsaka she’s a celebrity na, hindi siya immuned sa mga criticisms. Pag kay Angel o Marian, ok lang na siraan sila ng reporters pero pag si Charice ang tinitira, di pwede kasi dapat suportahan siya for being internationally recognized. Di sya mag-gro grow bilang artist kung puro puri lang ang matatanggap nya.

  8. naku charice go go go! wag ka na kasing mag paunlak ng interbyu sa dos ok lang yan pag nakaharap ka. classic example si sandara park nung wala ng kinang la na pansin aba ngayon na nagkakapangalan bigla ng “we love you sandy” “isa kang tunay na kapamilya” – pweee!

  9. hello ang tanga mo, kahit anung gawin ng detractors ni charice wala silang magagawa gusto sya ng mga banyaga. eh kahit ako d tangkilikin ng masang pilipino ok lang kung may career naman ako sa amerika sa amerika lang naman. i will treasure the comment ni ellen at oprah kaysa kay boy abunda at kris aquino na tulad mong bakla ka na walang credibilidad!

  10. Archie De Calma, ikaw ang reporter na walang credibilidad. Hindi pa man kilala, never heard pa rin, palaos na. Kakahiya ka.

Leave a Reply

Your email address will not be published.