Charice Pempengco, nang-isnab ng press!

BONGGA NA TALAGA ngayon si Charice Pempengco! Hindi na siya basta-basta ma-interview at talagang nahirapan ang media sa kahahabol sa kanya para interbyuhin lang nu’ng dumating dito nu’ng Sabado para mag-perform sa 1@11 concert, kung saan ini-launch din ito bilang bagong endorser ng Joel Cruz Signatures kasama si Gary Valenciano.

Nu’ng Sabado ng umaga ito dumating galing Amerika at inabangan ito ng mga reporter sa airport, pero umiwas ito.

Hindi ito lumabas sa arrival area kundi sa ibang exit ito lumabas. Pati sa rehearsal ng show, hanggang sa natapos ang show ay super-iwas pa rin dahil ‘yun daw ang bilin sa kanya na mag-perform lang siya rito, wala siyang pagbibigyang interview.

Pagkatapos nga ng show niyang ‘yun at meron pa yata sa Enchanted Kingdom, at babalik na agad ng Amerika dahil marami pa raw itong commitment.

Parang foreign artist na nga talaga ang turing sa kanya, kaya hindi ka na basta-basta makapagpa-interview sa kanya.

Kahit nga ang ninong nitong si Ricky Lo ay hindi niya napagbigyan ng interview. Ganu’n na kabongga si Charice!

CONGRATULATIONS KAY DINGDONG Dantes sa pagkapili sa kanya ng People Asia Magazine bilang isa sa People of The Year ng taong 2010.

Siya lang nga ang nag-iisang aktor na napasali sa 12 pararangalan mamayang gabi sa Sofitel.

Isa rin sa pararangalan ay si Venus Raj dahil sa major major achievement niya sa nakaraang Ms. Universe.

Ang isa pang Kapuso na napasali sa pararangalan ay si Mike Enriquez kaya malaki ang pasasalamat nito dahil lalo raw siyang na-challenge na pagbutihin ang trabaho niya dahil sa mga ganu’ng parangal.

Naging maganda raw ang taong 2010 sa kanya, at itong pagkapili sa kanya ng People Asia Magazine ay bonus na raw sa lahat na mga blessings na dumarating sa kanya.

Hindi pa nakababalik ng taping si Dingdong sa I Heart You Pare dahil nasa bakasyon pa si Regine Velasquez pagkatapos nitong magpakasal.

Pero ang alam ko, itong linggong ito balik-taping na sila dahil malapit na rin itong i-launch.

Ang buwena manong telefantasya pala na sisimulan na ngayong araw ng GMA Telebabad ay itong Dwarfina nina Heart Evangelista at Dennis Trillo na mapapanood pagkatapos ng Jillian, Namamasko Po.

Malaki ang pasasalamat ni Heart sa Diyos dahil nagka-isyu pa noon na hindi na ito matutuloy. Pero heto nga, at natuloy na rin kaya excited ang aktres dahil kakaibang project daw ito sa kanya.

Bukod dito sa Dwarfina at I Heart You Pare ni Dingdong, ang ilan pa sa aabangan n’yo ngayong taon sa GMA-7 ay ang Machete ni Aljur Abrenica at ang Captain Barbell ni Richard Gutierrez.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Previous articleErich Gonzales at Xian Lim, mag-dyowa na?!
Next articleNang Mangamoy ang MOA!

No posts to display