Charice Pempengco, ipinagtanggol ang ina sa nega issues

Sa kabila ng tinatamasang tagumpay ngayon ni Charice sa international music scene with her latest single “Pyramid” reaching the US Billboard Charts and beating Lady Gaga’s “Bad Romance” ay naiipit siya ngayon sa dalawang nag-uumpugang bato sa pagitan ng kanyang inang si Raquel Pempengco at ng kanyang lola na si Tess Relucio.

Nagpalitan ng maaanghang na salita ang mag-ina. Sinabi ni Raquel na gusto raw kontrolin ng kanyang ina ang kinikita ni Charice while Lola Tess claimed na para raw silang trapo sa paningin ni Raquel. Mga di-pagkakaunawaan na dapat sana ay sa loob lang ng bahay pinag-uusapan pero lumalabas because Charice is a star. When Charice became who she is today, she relinquished her right to privacy. The moment she became public, everything about her became public. It’s both a curse and a blessing – depends on how she experiences it.

Charice has set the record straight on The Buzz regarding the rift between her mother and grandmother. It is not true that Charice tearfully called up her lola to report that Raquel’s alleged boyfriend had stolen some valuables from them.

Sinabi ni Charice na nalulungkot siya sa nangyayari sa kanyang pamilya pero ayaw niyang makialam sa away ng kanyang ina at lola. Okay naman daw sila ng kanyang lola. She believes that in God’s perfect time everything will be all right.

She gave a short message to her lola, “Hindi naman po ako galit. Maayos naman po talaga kami ng lola ko. Nagkita kami last year. So noong nabalitaan ko, hindi ko po maintindihan kung bakit. Lagi po kayong mag-iingat. Alam n’yo naman po na lagi kaming nandito. Concerned lang naman kami sa inyo. Iyong makabubuti lang po sa pamilya natin ang iniisip namin.”

Maraming pinagdaraanan ngayon si Raquel – kaliwa’t kanan ang mga batikos na ipinupukol sa kanya. Is this the high price to pay for having a famous daughter? Charice became teary-eyed when she said, “Matapang siya. Kung ako ang nasa situwasyon niya, sobrang sakit. Napi-feel ko ang pain niya. Stay strong kasi hindi lang ito ang darating sa kanya. Kung maraming bumabatikos sa akin, mas maraming darating sa kanya kasi siya ang mommy ko. Siyempre iyong mga nangyari, mas madaragdagan ang mga taong magdududa sa kanya. Just stay strong. Nandito lang kami ng kapatid ko para suportahan kayo kung saan kayo masaya, because you deserve to be happy.”

Charice also denied the allegation that she has forgotten ‘FalseVoice’, the person who uploaded her performances on YouTube. The videos paved the way for her international success and caught the attention of Oprah Winfrey and Ellen DeGeneres. “Iyan ang masasabi kong hindi totoo. Kasi kahit anong mangyari sa akin, involved si ‘FalseVoice,’ si Kuya Dave. Kamakailan lang po noong nag-’Singapore Idol’ ako ay isinama ko po siya.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Previous articleParazzi Chikka: Scared si Kris Aquino: Nang-aasar kasi!
Next articleDingdong Dantes, iiwan na si Marian Rivera ‘pag natapos ang kontrata sa Siyete?!

No posts to display