Charice Pempengco, hinarang sa burol by Tita Swarding

OLACHIKKA………! ANG BUONG Pilipinas ay nakikiisa sa pagkamatay ng dating pangulo ng bansa na si Corazon C. Aquino. Isang kasaysayan ang nagawa niya kaya isa rin ako sa nagdadalamhati at nakikiisa sa pagkawala ng ina ng bayan na nagbukas ng demokrasya ng bansa. Habang pinapanood ko sa telebisyon ang burol ng pangulong Cory aquino ay hindi ko mapigilan na tumulo ang aking luha lalo na sa kanyang sinabi at panalangin na nag papasalamat siya sa panginoon na siya ay nagging Pilipino. Sa paghatid sa huling hantungan ni dating pangulong Cory sa manila memorial, bumuhos ang luha ng sambayanan sabay buhos ng agos ng ulan saang mang parte ng bansa. Kumbaga, ang panahon ay nakikiisa rin at nakikisimpatya.

Pero ang mga tao ay hindi natinag sa buhos ng ulan dahil ayon sa kanila ay isa lamang itong maliit na sakrispisyo para sa namayapang pangulo na dinaluhan ng mga matataas na opisyales ng bansa, bukod sa pamilya at mga  kamag anak at kaibigan.

Pati ang ibang bansa ay nagpadala ng kanilang mga representatives upang maipaabot sa pamilya Aquino at mga Pilipino na sila rin ay nakikiisa sa araw ng libing ng pangulong Cory. Marami na ang hindi pinapasok, walang pinipili, mataas man ang katungkulan o kahit anong personalidad na kilala.

Kahit ito pa ay nagbigay rin ng karangalan ng bansa tulad na lamang ng batang singer na si Charice Pempengco. Kararating lang ni Charice mula sa ibang bansa at dumiretso na ito sa Manila Cathedral upang makiramay ngunit sa labas pa lamang ay hinarangan na ang batang singer at ito naman ay naiintindihan ng magaling na singer. Agad namang humingi ng paumanhin ang Black and White Movement leader na si Leah Navarro sa singer at sa ina nito.

Bukod sa bulaklak, bumuhos rin ang kulay dilaw sa buong Metro Manila. Tila tumigil ang oras upang ipakita  na nagkakaisa ang buong sambayanan, saan mang sulok na may Pilipino sa mundo.

MARAMI ANG NAGTAAS ng kilay at hindi nila nagustuhan ang pinakita na pagdidikta ng TV host na si Willie Revillame. Hindi ko napanood ang episode na ‘yun kung saan ay nagsalita at nagwawala ang  TV host at nananawagan pa sa mga matataas na opisyal ng ABS-CBN na si Charo Santos-Concio on air na tanggalin ang mga footages na isiningit sa show niya kasi nadi-distract daw siya. Kalerke, ha! Masyado na yatang nilamon ng kasikatan si Willie. Alalahanin mo, host ka lang  ng  Wowowee. Wala kang karapatang magdikta.  Isa pa, tinapos man lang sana niya ang segment at off-the-air na kinausap niya ang director na kung maaari  ay tanggalin ang inset ni Cory.

Saan kaya siya pupulutin ‘pag napikon ang management  ng ABS-CBN? Maniwala ka, Willie, wala nang magtitiyaga sayo kung ganyan ang asal. Wala po akong galit sa ‘yo,Willie. Kung ano ang nakikita ko at napapansin ko sa mga ginagawa mo, sinasabi ko upang kahit papano ay malaman mo na hindi nagustuhan ng karamihan ang ginawa mo. Hindi lang ako ang nakapapansin, marami pang iba. Iba na ang Willie na nakilala ko noon at ngayon. Masyado na mataas ang ihip ng hangin, kesyo mapera at pwede nang makuha at maabot kung ano ang gusto. Hindi kita kinukwestion sa personal mong buhay. Wala kang karapatang magdikta ng sinuman na parang ikaw na ang may-ari ng buong istasyon. Binigyan ka ng sariling programa, dapat pagyamanin mo, hindi dapat abusuhin. Kung tinawagan mo sila bago magsimula ang programa,pero hindi nasunod ay wala ka paring karapatan magsalita at magdikta laban sa pamunuan. Puwede mong idaan sa maayos at hindi sa kung ano man. Alalahanin mo, karapatan ng publiko na malaman ang anong mang nangyari sa dating pangulo.Isa lamang  itong tribute ng ABS-CBN na kahit papano ay maiabot nila sa sambayanan ang nagyayari sa paglipat ng labi ng dating pangulo. Dapat respeto ang nangunguna bago dikta. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

22 thoughts on “Charice Pempengco, hinarang sa burol by Tita Swarding

  1. boang u ru crazyqjoquiqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqlllllllllllllllllllllllllqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqllllllllllllqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqlllllllllqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqqq

  2. nautot ako sa comment na ito. hehe wala na bang ibang pics? tita swarding hanap ka sa images.google.com ng matino.

  3. para namang okray ang itsura dito ni charice.. oo nga, anlaki pala talaga ng ulo nya noh?? literally… totoo ba talagang mayabang sya?

  4. i am sorry baka kung pinakanta si charice baka napabangon si tita cory kasi bibirit iyan na parang nasa american audience pa siya. akala siguro ni ineng international celebrity siya papasukin na siya agad-agad. tapang din.

  5. sa totoo lang, in bad taste naman talaga na pagsabayin ang show ng wowowee with the update of tita cory’s convoy. mahina ang director or executive producer, hindi na dapat si willie ang nakapansin na masagwa talaga at disrespectful pagsabayin. ang mali lang ni willie, yung manner niya na parang nagtataray ng pagkasabi niya. but in all fairness, he has a point.

  6. sobrang laki na ng ulo ni welle feeling nya sya ang may-ari ng abs-cbn! ilang beses nang nambastos yan on cam and off cam!

  7. mabuti naman at hinarang si charice. diba ang mga iniimbita lang e yung di mayayabang. e malaki ang ulo ni charice, tulad ng mentor nyang si willie. wala syang class. kung nakasama pa sya e sasapawan nya lang lahat ng ibang artists na kumanta…. hay enough of charice, she is just a fad…. look at her in this picture… parang literally lumalaki na rin ang ulo, baka di kinakaya ang hangin na panay ang pasok…. Loook….

  8. tapos c willie mag so sorry n naman on air tapos magpapa awa na naman.. style nya lageng ganyan mahilig mag pa awa tapos ang ginagawa naman nya masyadong nyang ginagamit ang mga mahihirap sa show nya..

  9. bastos naman talaga yang si willie pati staff niya on air kung ipahiya niya … tama yung sabi ni willie na ng papakatotoo lang siya sa kabastosan ng ugali niya

  10. nakita ko nga yung ginawa ni willie napakabastos tlaga nyan, nagsasaya dw cla dun tapos ipapakita yung ky cory? ano yun? wala talagang kadela delacadeza itong taong to. diko alm kung bkit ngustuhan yan ng mga tao.
    alm naman ng mga tao na puro kabalbalan lng ginagawa nyan e. nung walng pera akala mo kung cnung kawawang tupa ngayong ngkaroon lng ng pera akala mo sya na ang hari! sama mo talga sana makarma ka sa mga ginagawa mo! nothing personal, sinasabi ko lng kung ano yung totoo na hindi masyadong nakikita ng mga tao!

  11. Masyado namang misleading yung title ng news item na ito. Para namang kinawawa si Charice. Tapos na kasi viewing hours, isasara na yung kabaong. Maayos naman yung pakiusp sa mag-ina. Di naman sila nagpumilit. Di lang sila Charice ang di pinagbigyan, marami ring celebrities at politiko ang nahuli sa pagbisita.

  12. bastos si willie he always says in public mabait siya professional but that the truth is hindi kasi it does not take a college degree for a person to have delicadeza and obviously wala siya nun imagine papagalitan staff niya on air tama ba yun. He thinks he is so powerful that he can play with people’s emotions well sorry willie but we are not that blind. Why dont you ask yourself bakit walang babae ang tumatagal sa yo stop being so dramatic in tv na para bang yung mga babae pa may kasalanan kung bakit mag isa ka. And excuse me si Ninoy and Cory the entire Philippines made them as their own family, they welcomed them with open arms tapos sasabihin mo na ung babae na papakasalan mo dapat maintindihan na marami kang family dahil ung mga tao family mo excuse me akala mo ba sa mga tao tanga talaga maniniwala sa sabi mo. Sabihin mo kaya laging fail ang marriage mo dahil ikaw ang may problema because you yourself does not know what a family is and what it means. Nakakapikon na tong si willie sobra I hope he learns that with power comes great responsibilty wag mo gamitin power mo mangapi or manakit or maging bastos. Willie remember you cannot lie to God He alone knows everything

  13. di tlaga tma ewan ko ba bakit andiyan pa si willie sa abs ang sama niyang tao! Tita cory is a former president and icon of democracy. An icon that embodies every Filipino. An icon of Moral Decency,women empowerment, a rich and sophisticated woman yet who chose to live a simple life and offered her life to God’s will tapos si willie sasabihin niya yan. Willie your viewers are intelligent. We are professionals so we dont buy you reasoning na nalulungkot ka. Why dont you be like President Cory a selfless woman who does not think of herself but the welfare and feelings of the people around her. No trace of corruption di NANDAYA EVER! tapos last respect na nga lang iniisip mo pa rin show mo. My gosh willie you are such a selfish person!

    • kala ko ako lang nakapansin, para sya partner ni CHUCKIE..yikes!!!
      Kinakampanya ko po yung petition online.com/badwilly/ sign up na po para naman malaman ng madlang peeps na dapat na kalusin si MIGHTY POWER TRIPPING WILLY..

  14. Correct k dyan tita Swarding.Panahon n upang kalusin ni joey de leon ang mga sungay at buntot ni willie @ panahon nrin n lumipat ng GMA at mging KADABARKADS kc mas malalaking premyo@napakadali ng mga games s EB n nde n need kalkalin ang buhay ng mga contestant.WILLIE, ABSCBN should not tolerate ur arrogance contrast s personality n nilapastangan mo.Tita Swarding ano nman b ang naging reaction ng Abs Cbn mgmt lalo n c Charo n prang bata lang n pinagsabihan ni Willie.I think willie should be responsible to his actions and avoid disrespectful statement in public.Matagal n kming nagtataka isa lang show nya but now he becomes millionaire ganun nb kalaki ang byad ng ABS-CBN kay willie?nagtatanong lang nman…

Leave a Reply

Your email address will not be published.