Charice Pempengco, ‘di apektado ng ‘flop’ na concert!

NAGING SUCCESSFUL ANG nakaraang concert ni Jericho Rosales sa Aliw theater with guest performers Yeng Constantino and Christian Bautista. Agaw-eksena naman ang pag-akyat ng fan ni Echo na ikinagulat ng lahat para lang mayakap at bigyan ng stuff toy ang kanyang idolo. Taga-San Francisco, California ang fan na Mariel de Leon ang pangalan at 18 years old. Sadyang umuwi ito ng ‘Pinas para lang manood ng concert ni Jericho. Napag-alaman namin sa actor/singer na ginamit ng dalaga ang graduation money niya just to buy a ticket for the concert at mapanood siya nang live on stage na labis na ikinatuwa ni Echo.

Hindi maiiwasang intrigahin sina Jericho at Christian dahil pareho silang na-link kay Karylle. “Wala namang ganu’n, pareho kaming cool on stage. Wish nga namin, magkasama pa uli kami sa mga susunod na concert. Sana mag-jam pa kami sa mga susunod pang concert. We’re all friends naman kaya walang dapat intriga sa amin,” masayang sabi niya.

PARA IPAKITA SA publiko na walang tensiyong namamagitan kina Rachelle Alejandro at Jessa Zaragosa together with Geneva Cruz at Roselle Nava, magkakaroon sila ng concert, ang “Ladies of the 90s.” Nilinaw ni Jessa na walang katotohanan ‘yung issue tungkol kina Rachelle at Dingdong Avanzado. Nilinis na niya ang pangalan ni Rachelle at ngayon nga good friends na silang dalawa.

KAHIT PILIT NA ibinabaksak ang international singing sensation na si Charice, patuloy pa rin itong umaani ng tagumpay hindi lang dito sa atin, kundi maging sa ibang bansa. Aminin man natin o hindi, malayo na ang narating niya as a singer with the golden voice.

Charice is a superstar, the little girl with the big voice. Hindi siya apektado sa sinasabing nag-flop ang first solo concert niya rito sa ‘Pinas. Katunayan nga, ang album niyang My Inspiration, gold record na. Ayaw na nga ni Charice sagutin pa ang mga intrigang ibinabato sa kanya pero nagbigay pa rin siya ng mensahe.

“Gusto ko nga po, ‘yung mga nakapunta at nanood ng concert ang sumagot. Pero sa totoo lang po, two weeks lang pong napaghandaan ‘yung concert. Dapat nga po hanggang 5,000 seats lang talaga, sold out na po siya. Pero ang naging problema po kasi, pagdating ko sa venue, may bumili pa po ng 1,000 plus. So, nagdagdag po ng seats na 1,000 plus. Du’n na po nagkagulo, sumikip ‘yung venue. Ang masasabi ko, mahirap po talagang mag-perform sa harap ng mga Pilipino, pero ipinakita nila that night, pina-feel nila sa akin puno,” pahayag ni Charice.

Sinasabing mahina raw ang fans ni Charice dito sa atin, pero nang mag-mall show ang dalaga, dumagsa ang kanyang mga fans.

“Nagpapasalamat ako sa kanila, everytime na may mall show ako, palagi ko silang nakikita, bumibili sila ng CD. Iniisip ko nga, ilan na kaya ‘yung CD nila sa bahay?” Masayang sabi niya.

Sikat nga si Charice sa ibang bansa pero hindi raw rito sa ‘Pinas. “Ayaw kong ako ang sumagot n’yan. Ako po kasi, hindi naman po ako nakikipag-ano… kung hindi ako sikat dito – bahala sila! Basta po ako, ginagawa ko ‘yung worth ko as a singer para pasayahin ang mga tao. Pero kung hindi sila satisfy du’n, salamat po! Sa lahat ng mga nanonood sa akin, ipinapakita nilang kilala nila ako, marami pong salamat!”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

21 thoughts on “Charice Pempengco, ‘di apektado ng ‘flop’ na concert!

  1. people be proud na lang kay charice pinay sya at sikat na sa ibang bansa.nakakatuwa sya kasi totoo syang tao inosente kaya minsan na misunderstood sya.sa tingin ko mabait na bata yan si charice at i dont think na nagyayabang sya sa mga gamit nya sa tv tuwa lang sya at nag karoon sya nun sa sarili nya sikat.at sa pag sagot ganun talaga sya siguro excited syempre bigla sya sumikat.charice im proud of you pag kumakanta ka sa tv napapaluha ako sa tuwa.god bless at wag ka paa pekto sa mga ingit dyan.

  2. wag kayong epal magaling c charice inggit lang kau mag hinayupak kung wala kau magawa di wag neo ng pansinin
    hai mga alang magawa sheeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeet!!!!!!!
    charice gat d2 qoh pag tatanggol kita tol!!!

  3. ang kapal ng mukha ng panis este charise pala na yan. hindi ba kau nkakahalata na lahat ng paborito ni sarah e paborito dn daw niya? Una si Celine Dion tpos ngaun si Michael Jackson e halata nmn na cnsabi nya lng un pra mpansin n nmn cia hindi ka2lad ni sarah na sa mga concerts tlga nya e my number cia n pangMJ even before he died. sbi nia 10 yrs old p lng cia e ngprapractis na cia ng moves ni MJ. tlgang kinuwenta ko kung 17 cia ngaun e d nung 2002 cia 10 yrs old and 2002 is not a year of MJ. Cna britney, nsync n other boybands ang in dt tym ate.

  4. I was at her concert, libre, kasi bigay ng isa sa sangkatutak na isponsor ng show. Isa sa isponsor eh yung Yehey! The same site that reported her concert was a flop (STIR.com). Di ko mainitindihan kung bakit ganoon ang reaction ng Stir. Well yes, di napuno pero I think it was a commercial success. Marami kami doon nakakuha ng sponsored complimentary tickets pero di naman siguro kalahati ng venue eh libre. Nagkagulo ng kaunti sa seating arrangements. My aunt and niece who are both fans of this girl, bought tickets of the show, I think they got the most expensive seats,but the usher downgraded their seats to give way to VIPs na di naman nagbayad and left halfway through the show. Sigh! The following week nag-concert si Charice sa gateway ng libre. Kung alam ko lang na di sisipot si Regine at may free concert pa sya, doon ko na lang sana dinala mga kamaganak ko.
    Regarding her performance. For a non-fan, she did well. Well enough to make me stay and finish the whole thing. Tulad nga ng sinabi ng marami, Ok na mga limang biritan pero after a while nakakasawa rin pala, parang Kisses chocolate, tama na limang piraso. I suggest she preserve her voice kasi (ayoko pagmulan ng away) baka matulad siya kay Sarah Geronimo, may lamat na vocals. Kaya puro disco pop na kinakanta. Si regine Velasquez nga Low-key na.

  5. I was there at the concert to support Charice and wants to hear her live and these are my observations:
    1. Ang SMEX hall ay isang lugar na kung saan ginaganap ang mga exhibits like companies who wants to promotes their products kaya nagulat ako nung dun pala ang venue. Basta gumawa na lang sila ng stage sa gitna at ang upuan ay mga monoblocks na may takip na cover white cloth(parang sa mga party. parang mas ok pa kung sa aliw theater ginanap.
    2. Nabasa ko sa internet na sold out na daw ang tiket pero contrary nung bumili ako sa ticketnet eh hindi naman daw.In short hind naman talaga napuno ang venue kasi dun sa tig 500 ay marami pang vacant seats and even dun sa 1 k. In fact yung iba nga ay lumipat at nagawagawan sa mga vacant spaces sa harap.
    3. Tama yung sinasabi ng iba pag marami na kinakanta si charice medyo nahihirapan na siya. Actually excited ako nung kantahin niya yung listen pero short cut lang. Saka may ubo daw siya, eh dapat kasi pag mag-concert ka dapat may one month preparation like jogging and swimming like what martin nieverra is doing

    Indi naman siguro crab mentality ang magbigay ng constructive na comments. Sana lang talaga madevelop ni charice yung karisma niya para lalo siya sumikat. and be humble in answering questions. Dapat i-train siya

  6. may pagkamayabang syang umasta. di maganda ang ginawa sa wonder mom dahil pinakita pa yung mga branded nyang gamit. hindi consistent ang pagka-humble ni charice. hindi sya magiging parang sina sarah na tatagal ang kasikatan. nakaka-aliw lang dahil nakilala sya dito sa america, dahil sa birit lang. but her style of singing is not really impressive. birit lang talaga. and no originality. nananapaw pa pag may mga kasama syang kumakanta. sori pero yun ang nakikita ko sa TFC.

  7. uhm, well she has a high voice at kaya niang controlin… pero walang ciang originality eh….. gaya-gaya puto maya…

  8. you mean insecure ang mga fans ni sarah kay charice?

    you mean insecure is sarah kay charice?

    dapat lang, dahil mas magaling si charice kay sa kay sarah. accepted na mismo ni sarah ito.

    dapat kay charice doon na manirahan sa us. doon mas appreciated ang talent. wala sila pakialam sa looks basta talented ka. dito pinagkaguluhan ang mediocre talent. puro insecurities lang.

  9. Charice and Sarah are incomparable!

    Si Charice ka duet mga bigating, si Sarah ang mga ka duet mga hindi singers… hahahahaha

    Charice is An International STAR samantalang si SARAH G. is TFC STAR! hahahaha

  10. ang mga galit ata k Charice eh mga fans lang ni Sarah G.

    Ilang years kasi nagipon si Sarah para makabahay pero si Charice in a month nakabahay na agad! kayod ang trabaho ni Sarah samantalang si CHARICE DOLLARS! hahaha

    Selos lng yan mga fans ni Sarah! hahahahaha

    Losers talga ang mga fans ni Sarah mga hypocrite!

    CHARICE IS AN INTERNATIONAL star si SARAH G. is for MARKET IN THE PHILIPPINES kind of star! hahaha

  11. natawa lang kami sa sinabi niya on national tv na nag-papicture daw si Paris Hilton sa kanya. she shld have said the other way around kasi may picture naman talaga sila pero para sabihin mo naman na nag-papicture si Paris sa iyo, parang ewan lang.

  12. flop naman talaga siya and hindi ako nageenjoy nung nanood kami ng family ko. My son even asked me if we can go somewhere else or go home halfway between the show. Pero sayang ang bayad so we stayed.

    Yung claim niya about MJ was also debunked by several official sources already.

  13. kasi naman kaya maraming may ayaw kay charice kasi kala mo kung sino sya magsalita. mayabang kumbaga. kala mo “close” nya yung mga holiwood stars.

    Sabihin ba nag MAY CONCERT SILA NI MJ? as far as I know hindi nagcconcert si MJ ng may kasama SOLO lang nya. baka isa lang sya sa mga kakanta yung pampalibang kumbaga sa mga tao na naghhintay ky MJ. e sa tono ni charice parang klevel na nya si MJ at silang dalawa may concert. hayyy iha dahan dahan ha…

  14. kahit anong gawin kong pilit d ko cya magustuhan,feeling ko dapat suportahan ang kapwa pinoy, pero wala talaga d kaaya-aya ang itsura and theres nothing special sa pagkanta nya, mukhang 12 years ang itsura pero mukhang matanda ang face, ay ewan…pag nakikita kita sa tv nabwibwisit ako…peace….

Leave a Reply

Your email address will not be published.