Charice, nagpakasal na sa bebot na road manager?!

NAKAKALOKA ANG balita ha? Kasi umiigting na nga ang balitang diumano’y tomboy nga raw itong si Charice. Heto na naman at nagpakasal diumano ito sa kanyang manager sa Las Vegas?

How true? Sa ulat ng Ang Latest ng TV5 last Saturday, May 11, sinabi ng Lola Tes nito na parang nabalitaan nga nila ang ganitong balita.

Matatandaang inetsa-puwera ng singer ang kanyang manager last year at inanunsiyo niya ito sa twitter. Tweet ng international singing sensation, “A bit of news, Grace Mendoza is no longer my manager. I thank her for the work and time she has spent with me. Courtney Blooding is the new point of contact for me. You can reach her at courtneyblooding@me.com.”

Pero ayon sa lola nitong si Tess Relucia, base sa ulat ng Ang Latest, ‘more than professional’ daw ang relasyong namagitan sa kanila ng kanyang road manager na si Courtney.

Lahad ni Lola Tess, “Ang nakarating sa akin, girlfriend mo ‘yun or ikinasal kayo anak, sabi sa amin, sa Las Vegas, kaya lahat ng income mo rito noon, ‘yung kinita mo sa X- Factor, eh, bumili ka ng sasakyan, nadala lahat nu’ng babae na ‘yun.”

Dagdag pa ng source ng Ang Latest na itinago sa pangalang ‘Mike’, sumama raw ang loob ng ina nitong si Raquel Pempengco nang makarating sa kanya ang balita.

Tanong ng Ang Latest, “Nagalit ba si Raquel dahil nagpakasal daw sa Las Vegas?” Saad ng nagngangalang Mike, “Pagkakaalam ko, masama ang loob.”

Dagdag pang tanong kay Mike, “Nabawasan daw ang savings dahil kay Blooding?”

Pahayag nito, “Nakatanggap kami ng tawag mula America na nagwi-withdraw raw si Charice halos isang milyon araw-araw, kaya nagtataka kami kung saan niya dinadala ang perang ‘yun.”

Naku kailangang mabigyang-linaw agad ito ni Charice bago pa lumaki ang balitang ito. Ilalathala agad namin ang panig ni Charice sakaling magsalita na ito.

 

WALANG PAGSIDLAN ang galak sa puso ni Sam Pinto na marami pa rin ang sumusuporta sa kanya para maging FHM Sexiest Woman of the World 2013.

Last May 10, sa Miting de Avance ng United Nationalists Alliance (UNA) sa mga national at local candidates nila na ginanap sa Plaza Morga, Moriones, Tondo, isa sa guest celebrities na namataan ay si Sam.

Masayang kuwento ni Sam sa magandang balita tungkol sa kanyang ranking, “Oo nga eh, nagulat nga ako, eh. I can’t believe it. It’s really exciting talaga and I’m so thankful sa mga supporters ko na tinulungan nila ako. Parang two more weeks na lang ‘ata ang botohan.”

“From number 4 to number 2, grabe.”

So, nararamdaman na ba niyang baka sa huli ay siya muli ang tatanghaling pinakaseksing babae sa Pilipinas ngayong 2013? In that case, ito na ang pagiging pangatlong pagkakataong maging Sexiest Woman of the World ang Kapuso actress. Nakangiting tugon nito, “Siyempre positive pa rin ako, thankful for the fans, it’s really up to them so, we’ll see it, kinakabahan ako grabe. Thank you Lord.”

Paano kaya niya naipaabot sa kanyang mga tagahanga ang mensahe niya ng paghingi ng suporta sa mga ito? Lahad niya, “Kasi meron akong fans club, sila talaga ang nag-aayos ng lahat, ako lang ang nagsasabi sa kanila na ganito tapos sila na gumagawa ng lahat.”

Sa huli, positibo pa rin siya na kahit anuman ang mangyari between now at sa pagtatapos ng botohan ay ‘andiyan pa rin ang kanyang mga tagahanga. Saad niya, “Sa lahat  po ng mga bumoboto sa akin, maraming-maraming salamat po, you don’t really know how grateful I am for the support, thank you for making me number 2, whatever happens, thank you so much.”

Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

13 thoughts on “Charice, nagpakasal na sa bebot na road manager?!

  1. sorry charice kong noon no. 1 mo akong tagahanga dahil s ganda ng boses mo lalo non ns contest k palang n ang host c sarah g. talagang gustong gusto kita PERO NGAYON SORRY TO SAY, NANDIDIRI AKO SAIYO, sinayang mo buhay kc walang patotunguhan buhay mo pag ganyan k, sana s isang lalaki k nlang nagpakasal kong totoo man ang news saiyo PARA ISANG MASAYANG PAMILYA NABUO MO. sayang n sayang k charice sinira mo ang napaka gandang buhay mo.

    • porke ba tomboy sya eh masasayang na agad ang buhay ni charice…makitid lang ang pag-iisip mo agnel29 at hindi bagay sa iyo ang angel29 na code name dahil sa bulok mong pananawa sa buhay…buti pa si charice kahit tomboy ay nagbibigay ng karangalan sa lahing pilipino eh ikaw meron ka na bang na-contribute sa Pilipinas…mag-esep-esep ka noh…style at kukote mo eh bulok!!!!

      • hoy rodel napakalaki ng contribute ko s pilipinas kc ofw ako kaya isa ako s nagpapasok ng dollar s pinas at bawat uwi ko jan dollar ang dala ko kya may pakinabang s akin ang pilipinas , bk ikaw n kahit magbayad ng tax wala k eh. bakit ok b saiyo n ganyan c charice bk isa k s nag impluwencia s kanya, ng gumawa ang diyos ng tao s mundo BABAE AT LALAKI LANG WALANG TOMBOY AT BAKLA, kaya ko nasabi n sayang buhay n charice kc anong b mapapala ny kong totoo n nagpakasal cy s kapwa ny babae isa bang masayang pamilya maitatayo niya? diba pati magulang niya at lola nag aalala n kc unti unti ng nawawaldas ipon ny. ikaw ang bulok ang kukote mo kc ok lang pala saiyo mag asawa c charice ng kapwa niya babae. esep esep k kong may matino kang pagiisip.

      • at dahil sa kitid ng pag-iisip mo at panghuhusga sa kapwa, angel29, Charice will meet u in hell…enjoy!

      • tama si angel, very simple lng naman e, ang ginawa ng diyos LALAKE at BABAE lng pediod! balibaliktarin man ang mundo tlagang un lng. therefore ang pagiging bakla o tomboy ay immoral.

      • You mean to say si Boy Abunda, Wenn de Ramas, at ang lahat ng bading sa Pinoy showbiz mga immoral?  Kung ganun, 50% of the population of the Phllippines is immoral because that’s how much gay population is in the Phils.  Just asking lang ho…..  Ang dami ring hindi mga gay pero mas immoral pa kesa mga totoong mga gay.  Mga rapist pa lalo na sa Pinas na ang crime rate is about the same as the U.S. per the website NUMBEO.

      • 50 percent agad? Subra ka naman Hindi ibis sabihin dahil isa ka SA MGA malalaswa noon 50 percent ang gays SA pinas. Utak ipis ka talaga. Yes immoral ang MGA homo. God created Adam and Eve not Adam and Steve. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.