Charice, more popular than Sarah?!

IDOL NAMAN DAW ng dalagang magse-celebrate ng kanyang 17th birthday sa Linggo (May 10) at Mother’s Day, na si Charice Pempengco sina Sarah Geronimo, Lea Salonga at Regine Velasquez.

Kaya nga sa tanong sa kanya sa launch ng kanyang second album under Star Records, ang My Inspiration, hindi maalis sa mga nakaharap ni Charice na maikumpara siya sa estado niya ngayon kay Sarah.
Sa obserbasyon ng marami, mas nauna pa ngang pumaimbulog si Charice sa international scene sa mga narating na niya roon, in terms of popularity, pakikipag-daupang palad with the likes of Ellen Degeneres, Oprah Winfrey, pati na kay Celine Dion at Andrea Boccelli at marami pang iba. Pang-masang Pinoy na nga lang daw ba ang gaya ni Sarah na idol ni Charice?

Magaling sumagot si Charice. Nagkataon lang daw ang pagsasabay-sabay ng dating ng suwerte sa kanya. Na siguro nga raw, kaya ibinigay na sa kanya ng Panginoon ang mga pagsubok, simula pa lang ng tatlong taong gulang siya (nang iwan sila ng kanyang ama), hanggang sa hindi manalo sa Little Big Star, na naaalala pa niya ang mga judges tulad nina Ai Ai delas Alas, Louie Ocampo at Kuh Ledesma, eh sa panahong ito siya masusuklian, para na rin sa kapakanan ng kanyang ina at kapatid na si Carl.

Ang maganda rin kay Charice, kahit na patakaran ng ilang mga agents sa Amerika na ipakilala ang kanilang mga discoveries na galing Asya bilang Latina o iba pang lahi, ito ang sinabi niya sa kanyang tumatayong manager doon na si David Foster na hindi niya ipagkakaila na siya ay isang Pinay.

At bakit ka naman hindi lalong magiging proud sa dalagang ito? Sa ceremonial first pitch na ginanap sa Dodger Stadium, siya pa ang pinakanta ng pambansang awit ng Amerika, ang Star Spangled Banner!
Kung si Charice daw ang nanalo noon sa Little Big Star, malamang na hindi rin ganito kalaki ang inabot niyang tagumpay. Dumating na nga raw siya sa puntong awang-awa na sa sarili. At mabuti na lang at malakas ang loob ng kanyang ina, at sa mga sinubukan pa rin niyang pagkanta, sino ang mag-aakala na may makakatisod nito para mailagay sa YouTube at mapansin ng mga nasa ibang bansa?

Sabi ko naman, madalas na nating makita na sa isang kontes, gaya ng kantahan, kung sino ‘yung hindi nagiging kampeon eh, siya ang umaariba ‘pag laon. Bakit? Kasi, mas doble o triple ang ginagawa nilang pagpupursige para lang mapatunayan na sila ang karapat-dapat na manalo. Hindi sila titigil hangga’t hindi nila naa-achieve ang gusto nilang abutin. Ang mga nananalo just rests on their laurels. ‘Di ba? Naging isang malaking hamon ito for Charice.

Kinukuha rin ng iba ang reaksiyon ni Charice sakaling mag-krus ang landas nila ng kanyang ama. Ang tangi lang daw niyang naaalala rito eh, base sa lumang litratong naiwan sa kanila. Kaya, hindi niya rin masabi ang mararamdaman niya.

Kung may mukha pang ihaharap ang ama ni Charice sa kanya at sa Mommy Raquel niya, makakagawa ito ng paraan. Pero ngayon, at her age, sabi nga, the world is at Charice’s feet na nakapagpatayo na ng 7-door apartment sa Laguna na pinauupahan nila, ibinili na niya ng bahay sa Tagaytay ang ina. At higit sa lahat, ang pangarap niyang isang white Expedition na ang sinasakyan niya!

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

13 thoughts on “Charice, more popular than Sarah?!

  1. walang sinabi c charice n mas sikat sya,we’re all pinoys,just be proud,kc phenomenal achievements nya,lalo na she’s always introduced as girl from philippines

  2. Yes? NO!!!!, Yes? NO!!!, Yes? NO NO NO!!!.
    Ayaw ko sa iyo. HINDI, HINDI, HINDI PUWEDE KA SA LISTAHAN KO.

  3. yes!!! wag kng ganyan… wala nmn talagang duda n magaling kumanta c charice hindi cia makikilala s ibang bansa qng hindi cia magaling db!!!

    c ateh sarah magaling din yan kaya niyang gayahin ang mga ibang singer 2lad n lng ninah beyonce at lady gaga… subranf down to earth p… kaya lalo ciang minamahal ng mga tao… ng mga fans nia 2lad q….. pero idol q rin c charice…

    maging proud n lng taU s kanila kc parepareho clang mga kababayan natin….

  4. ganun talaga pagminamaliit lalong inaangat ng diyos……parang si juday nun kesyo siopao ang mukha pero tingnan nyo siya ngayon meron nang tanyag na career at may bonus na lovelife pa….

  5. sa tutuo lang d kagalingan si SARAH,nagkataon lang na mayron syang mass apeal na tinatawag at maganda ang paghawak sa kanya ng VIVA,,,,,,,,

    pero kung boses ang pag-uusapan mas magaling pa si RACHELL ANN GO sa kanya,,,,,masamay quality at kayang laruin ang boses ulike sarah,,,,

    sorry sa mga fans ni sarah!!!

    • shorty… parang mali ata… magaling talaga c ateh sarah accept it kc un nmn talaga ang 22o…

      ateh rachelle ann maganda talaga voice nia… pero my pinabagayan din ung boses nia c ateh sarah n kahit anong kantahin kaya nia….

      big fan aq ni ateh rachelle ann pero tanggap q n c ateh sarah kahit anong kantahin kayang kaya….

  6. kapal ng muka nia ! . sa sarili nga nyang bansa ay hindi sya masyadong sikat .. ! mas magaling at humble si sarah ! nde ka2lad nia sinasabi nyang mas
    sikat sya kesa kay sarah ! . kapal ! ..
    tsaka matapobre ang NANAY nia ! .
    feeling DIVA naak nya !

    • dont be so bitter! im a sarah g. fan. pero di ako bobo at tanga at acceptd ko na mas sikat c sarah d2. but not in international scene. charice make us proud. kya yang mukha mo ang makapal. nanglalait k ng kpwa mo. ikaw? wat nb ngawa u s pinas? wala!

  7. The way I look at it, Yes appears to be a person with no friends. Kawawa naman ang taong ito. Parang lumaking api apihan kaya madaling magbitaw nang masasakit na salita. Naku Yes, NO ka sa listahan ko.

  8. Yes, kung sino ka man ang laki ng inggit sa katawan mo. hindi ka dapat magsalita ng ganyan. Dapat ka nga na maging proud dahil may isang Pilipina na nagbigay karangalan sa atin.

  9. Charice and Sarah are of entirely different breed and in their own league. Parehong magaling. Sarah is accepted locally and Charice has an international appeal.

    To you YES, you are a typical unlearned trash. You should refrain from making derogatory comments about others.
    Your comments says a lot about you, BASURA. . .

Leave a Reply

Your email address will not be published.