Charice Pempengco, kailangan ng bagong stylist?

HINDI MAITATANGGING SOBRANG sikat na ni Charice Pempengco sa buong mundo. “International singing sensation” na nga ang bansag sa kanya. Hindi man siya nanalo sa Little Big Star, eh, napakarami pa rin niyang napahanga dahil sa galing niya sa pagkanta.

17 years old pa lamang si Charice pero maya’t maya na ang pagpunta niya sa ibang bansa para sa iba’t ibang guestings. Para ngang isang tambling at isang kembot lang niya, eh, nasa Amerika na siya. Close na nga si Charice sa mga sikat na Hollywood personalities tulad nina Oprah, Ellen De Generes, David Foster, Celine Dion, Andrea Bocelli, at marami pang iba.

Siyempre, busy rin naman ang bata sa kanyang mga commitment dito sa Pilipinas tulad ng pagpu-promote ng kanyang album na My Insipiration under Star Records na malapit nang maging platinum record. Kumusta naman kaya ang naging concert niya sa SMX Convention Center kamakailan?

Maliban sa kanyang international album na malapit nang ilabas, eh, inaabangan din naman ng kanyang fans ang kanyang international film na Alvin and the Chipmunks. Kamakailan lang, inilabas na ang first international single ni Charice na Note to God.

Ang tanong: May panahon pa bang magpahinga at mag-enjoy ang isang tulad ni Charice Pempengco?

Sana naman may panahon pa si Charice na ma-enjoy ang kanyang kabataan. Balita ko kasi maraming bawal kainin si Charice tulad ng ice cream para na rin mapangalagaan ang boses niya.

Sa sobrang daming ginagawa ni Charice, eh, sana nakakahanap pa siya ng oras para magpahinga. Uso pa naman ang mga sakit ngayon kaya naman importante rin ang pagpapahinga. Pero siyempre, nandiyan naman lagi si Mommy Raquel sa tabi ni Charice para gabayan at alagaan siya.

Pero, may isang bagay na lagi kong napapansin tuwing mapapanood ko ang international singing sensation sa TV. Oo, sobrang talented nga ni Charice pero hindi naman puwede na puro talent na lang. Hindi naman pangit si Charice. Sabi nga ni Paris Hilton, eh, ang cute-cute ni Charice at parang keychain daw na gusto niyang iuwi. Kaso, madalas kong napapansin ang mga damit at accessory ni Charice sa shows at guestings niya. Sino ba ang stylist ni Charice? Naku, mukhang kailangan na ni Charice ng bagong stylist. Kadalasan, eh, napapansin ko na parang pangmatanda ang ayos niya. ‘Yon din naman ang comment ng mga kakilala ko. ‘Wag naman sanang magalit ang fans ni Charice. Pero bata pa naman si Charice at sana ‘yung babagay sa kanyang edad ang mga kasuotan niya. Hindi ko naman sinasabing gawing Barbie doll si Charice, ‘noh! Kulang kasi ng pa-tweetums factor ang get-up niya, ‘di ba? May K naman siyang mag-pacute at magpa-tweetums.

Kaya naman sana, medyo baguhin ng kaunti ang wardrobe ni Charice at gawing mas bagay sa edad niya. Siyempre, buong mundo ang nakatutok sa bawat kilos niya. Kaya dapat bongga lagi ang get-up niya. Dapat ‘yung get-up na pang teen superstar! Ikaw, anong say mo sa get-up ni Charice?

By Jeric Peña (http://www.brinknotes.net)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.