Charice, ipaglalaban ang pagmamahal kay Alyssa Quijano

GUEST NAMIN si Charice sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado at punung-puno ang studio namin, huh!

Hindi gaanong madrama ang interview namin dahil nasabi na raw niya lahat sa VTR interview ng Startalk at kahit saan ay napapanood na siya at paulit-ulit na pinag-uusapan ang katomboyan niya.

Kaya nu’ng dumating na siya sa studio namin, light na lang ang topic at hindi na gaanong madrama.

Kinanta ni Charice ang paboritong kanta ng Mommy niya at naiyak-iyak nga ako, eh.

Nagbigay naman ito ng mensahe sa pamilya niya at sinabi rin niyang darating ang araw na matatanggap din daw ng pamilya niya ang karelasyon niya ngayon na si Alyssa Quijano.

Nandu’n nga sa studio si Alyssa, pero hindi ito nagpakita sa TV. Ayaw niyang magpa-inteview.

Nagbigay si Charice ng mensahe sa kanya na nagpapasalamat sa lahat ng suporta. Humingi rin ito ng paumanhin, at tinatanggap niya ang lahat ng panlalait at okay lang daw ito sa kanya.

Sinabi niyang mahal niya ito at darating ang araw na maayos daw ang lahat.

Bongga, ‘di ba? Mala-“you and me against the world” ang drama nilang dalawa.

Nagpasalamat din si Charice sa mga supporter niya na nandiyan pa rin sila at patuloy na sumusuporta sa kanya, sa kabila ng paglantad ng tunay niyang pagkatao.

Siguro tama na ‘yun at dapat personal na niyang puntahan ang Mommy niya para maayos na nila ang problema.

Sana nga hindi makaapekto ito sa career niya, dahil iba kapag pamilya mo ang kakalabanin mo.

Ang dinig ko, mas gusto raw ni Charice na sa GMA-7 siya magkaroon ng show. Ewan ko lang kung meron nga siya sa ABS-CBN 2.

 

MAMAYANG GABI na pala magsisimula itong bagong drama series ng GMA Telebabad na kapalit sa timeslot ng katatapos lang na Love and Lies.

Mukhang maganda ang takbo ng kuwento at parang susubaybayan ng mga manonood.

Ang mga beki nga, kilig na kilig sa MTV na gamit ang soundtrack nitong One More Try ni Kuh Ledesma.

Sabi nga ni Carla Abellana, parang mas marami pa raw sweet moments dito sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez, dahil sila ang unang magdyowa rito.

Nagkaroon lang ng conflict nang napangasawa ni Tom si Carla, at bumalik uli si Dennis.

Bongga ang triangle at tiyak na matataypan daw ito hindi lang ng mga bading kundi lahat na mga mahihilig sa mga drama series.

Sabi nga nina Tom at Carla, lalong tumaas daw ang respeto nila sa mga bading, dahil mahirap daw itong buhay nila na punung-puno ng conflict.

Panoorin n’yo na lang dahil iba ito sa mga napapanood nating teleserye.

 Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

6 thoughts on “Charice, ipaglalaban ang pagmamahal kay Alyssa Quijano

  1. kung totoo man na gusto ni cha sa GMA 7 mag show edi sana nga wla syang show sa 2. kau mga bashers ang oa kc di nio muna alamin ung totoo :/

  2. naman, para naman may offer ang ABS kay Charice. hello???? di ka karagdagan at kawalan sa abs para magsabi ka na mas gusto mong magkaroon ng show sa GMA. un pala ang gusto mo, bakit ka nagpa-interview sa THE BUZZ? Bakit pumapayag ka pa rin na mag-guest sa mga show ng 2? over ka naman mag-emote, teh!

    • KORAK! at ang kapal ng face (sa totoo lang talaga namang literal na makapal haha!) ni charot na sabihin mas gustong magkaroon ng show sa kapupo station kaysa sa abs na siya mong pinanggalingan at tumulong din upang makilala ka! At bakit sa The Buzz ka nagpainterview at umaming isa kang tiburcia? bakit hindi sa startalk? pwede ba, wag kang ipokrita, este ipokrito pala hahahaha! lumingon ka sa pinanggalingan kaya ka kinakarna eh….

Leave a Reply

Your email address will not be published.