Charice, ininsulto ni Rex Smith!

Charice-Rex-SmithININSULTO NG American singer na si Rex Smith si Charice habang nag-eensayo ang huli para sa isang corporate show sa isang hotel sa Cebu kamakailan.

Kilala si Smith sa mga kanta niyang “Simply Jessie” at “You Take My Breath Away” noong 70’s, at regular na nagtatanghal ng kanyang concert sa Pilipinas.

Sa report ng ABS-CBNnews.com, nagsasagawa ng sound check si Charice para sa nasabing event nang mangyari ang pang-iinsulto ng American singer. Ayon ito sa manager ni Charice na si Glenn Aldueza.

Pahayag ni Aldueza sa nasabing website, “We went there on time (2 p.m.) and she’s doing the sound check with the musical director. Then suddenly a foreigner came up to the stage and then he pointed his finger to Charice and told Charice, ‘Can you please stop what you are doing.’ Then nakipag-away si Rex Smith doon sa musical director kasi sabi ng musical director, ‘Can’t you see somebody is rehearsing?'”

“Actually when he left the stage nag-F word siya,” dagdag pa nito.

“(Charice) was shocked and according to her wala pang nakakagawa sa kanya ng ganoon, especially American artists na mataas ang respect sa kanya.”

Humingi naman daw ng paumanhin ang isa sa mga taga-Ovation Productions, na nagdala kay Smith sa bansa para sa isang concert, matapos ang insidente. Sinabi pa raw nito na personal na magso-sorry si Smith.

“Pero hindi nangyari ‘yon,” sabi pa ng manager.

Sinabi pa ng manager na ayaw nang palakihin pa ni Charice ang nangyari. Gayunman, nanindigan ito na “we deserve an apology.”

 

Parazzi Reportorial Team

loading...

3 thoughts on “Charice, ininsulto ni Rex Smith!

  1. BAT KAYA WALANG MALAKING INGAY ABOUT THIS ISSUE. I DON’T THINK NA MAY KARAPATANG MANIGAW ITONG HAS-BEEN NA AMERICAN SINGER NA TO. DI BA DAPAT THANKFUL PA YAN KASI WE STILL GIVE HIM A CHANCE TO EARN. BAKA NAMAN SOMEBODY IS CONTROLLING THE MEDIA HYPE AT BAKA DI PASUKIN NG TAO.

    • I agree with, Troy. Hangga’t hindi natin inilalagay sa tamang position ang mga foreigners na yan, hindi uunlad ang Pilipinas. Pansin nyo ngayon ang mga Pinoy mas priority mga foreigners kesa kapwa Pinoy.

Leave a Reply

Your email address will not be published.