Charice, ‘di talaga handang makipag-ayos sa pamilya?!

ChariceTOTOO BA ‘yung narinig ko na parang hindi naman handa si Charice na makipag-ayos sa pamilya niya?

Nakunan ng Startalk ang benefit concert niyang One Voice nu’ng nakaraang Martes sa Resorts World, at gusto raw sanang manood ng Lola Tess nito, pero hindi naman daw sinasagot ni Charice ang mga text messages ng lola niya.

Kaya hindi na lang pumunta ang lola niya at baka mapahiya naman daw siya roon.

Kasi parang naka-focus lang talaga si Charice sa dyowa niyang si Alyssa Quijano na nagpakitang-gilas daw roon sa concert.

Magaling din kasing kumanta ‘yun, at bumirit daw ito nang bonggang-bongga kaya pinalakpakan siya nang husto.

Mukhang type talagang mag-showbiz nitong Alyssa, sa tulong siyempre ni Charice.

Galit na galit nga raw si Charice sa mga nagsulat na parang pineperahan lang daw ni Alyssa si Charice. Mukhang gagamitin lang daw ni Alyssa ang international singer at hindi raw ‘yun totoo dahil simpleng tao lang daw si Alyssa. Kaya sana tigilan na raw sila ng ganu’ng intriga dahil unfair daw kay Alyssa na pagbintangan nang ganu’n.

Siyempre, may magagawa ba kayo eh, in love nang husto ang lola ‘nyo. Kaya tigilan na lang sila, ‘no!

 

NAKAKALOKA, HA! Hirap umalis sa bahay kahapon dahil sa Senate hearing na ‘yan ni Janet Napoles, ha!

Nakakaloka dahil ang dami ko pa namang presscon na pupuntahan. Pero kailangan ko pa ring puntahan gaya, ng presscon ng Gutierrez family. May importanteng announcement daw. Kaya lang, kailangan ko nang mag-deadline kaya saka ko na isulat ‘yan.

Ang isa sa nabalitaan ko kahapon, pumunta na si Jennylyn Mercado sa GMA-7 kahapon para pagharapin sila ni Mark Herras.

Nagkaroon ng meeting para sa gagawin nilang drama series na ang dating title ay Madame X. Pinalitan na ngayon ng Rhodora X daw. Dual role daw dito si Jennylyn na malaking challenge sa kanya bilang aktres.

Pero ang aabangan talaga rito ay ang pagbabalik ng loveteam nila ni Mark na marami pa rin namang supporters hanggang ngayon.

May kilig factor pa rin sila, kaya malay natin, ‘di ba?

Malapit na nilang simulan ‘yun kaya magkakasama na naman sila at sabi nga ni Mark, malay natin baka magkadebelopan sila dahil pareho naman silang single.

Sabi naman ni Jennylyn, sa trabaho raw muna siya naka-focus ngayon at sa pamilya niya, lalo na sa kanyang anak.

Kagagaling lang pala niya ng bakasyon sa Hong Kong kasama si Alex Jazz at nag-enjoy daw ang bagets dahil ang dami raw na pinabili sa kanya. Pero natutuwa si Jennylyn dahil nagkakaroon na siya ng sapat na oras para sa kanyang anak.

Abangan n’yo pala ang exclusive interview namin kay Jennylyn na mapanood sa Startalk bukas.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Charice, ‘di talaga handang makipag-ayos sa pamilya?!

  1. Laos na ang tiburciang ito. May international career pa sana pero dahil nagpatali sa Kapamilya, biglang nalaos, like Billy Joe Crawford. Lakas talaga makamurder ng career ang ABSCBN! Hakhakhak!

Leave a Reply

Your email address will not be published.