Charice, deadma lang sa mga nangungutya!

KUNG MARAMING nadismaya at nalungkot ng mga tagahanga ni Charice Pempengco nang umamin ito na siyay isang certified T-Bird o tomboy sa mismong kaarawan, marami rin namang natuwa. At least daw ngayon, hindi na pagtsistismisan pa kung ano ang tunay na gender nito, dahil siya na mismo ang umamin.

Ayon nga kay Charice, “I’m able to express myself better now. I have come to accept the real me. I have come to love the real me. I now celebrate the real me.”

Dadag pa nga ni Charice na hindi na niya iniintindi ang kanyang bashers. Bata pa naman daw siya ay marami na ang kumukutya sa kanya. Kaya naman given na raw na ngayong may pangalan na siya, mas marami ang bashers niya lalo na ngayon at umamin na siya.

“Noong bata pa po ako na wala kaming halos makain, may nangungutya na sa akin. Ngayon, kahit i-bash nila ako nang i-bash, nakakakain na po ako at ang pamilya ko.”

At ilan nga sa mga nakaiintindi ng kalagayan ni Charice ngayon ay ang mga taong sumusuporta sa kanya tulad ni Oprah na nagsabing, “Charice, keep cool and not be affected.”

Gayundin si Barbara Streisand na sinabi kay Charice na, “You don’t owe anyone an explanation.”

At ang iba pang kapwa nito celebrity na patuloy na pinagtatanggol si Charice, tulad nina Arnel Pineda, German Moreno, Kuh Ledesma, Sara Geronimo, atbp.

 

IDENENAY NG lead actor ng pelikulang Dance of the Steel Bars na si Dingdong Dantes na magpapakasal na sila ng kanyang GF na si Marian Rivera sa December 2013.

Ayon nga kay Dingdong, walang kasalang magaganap ngayong taon, kaya naman daw ang nasabing pelikula na ang kanyang huling pelikulang gagawin ngayong taon.
“Wala pa namang kasal. Saka may gagawin pa akong ibang movie at kahit magpakasal na ako, gagawa at gagawa pa rin ako ng pelikula.”

Masyadong maaga pa raw at hindi pa sila handang-handa ni Marian para lumagay sa tahimik. If ever naman daw na magdedesisyon na silang lumagay sa tahimik, ipapaalam daw nila ito sa kanilang mga tagahanga at mga malalapit na kaibigan.

Sa ngayon daw, lubos-lubos ang kasiyahan ni Dingdong dahil malapit nang ipalabas ang kanyang ipinagmamalaking pelikula, kung saan may espesyal na partisipasyon si Marian Rivera na nakatakdang mag-showing sa June 12.

Kamuntik-muntikan na nga raw na hindi maisama ang guesting dito ni Marian dahil tinutulan itong dati nitong manager na si Popoy. At ngayong wala na ito sa poder ni Popoy, puwedeng-puwede nang isama muli ang guesting dito ni Marian.

 

NO PLANS daw na agawin ni Hiro Peralta ang kanyang leading lady sa pagbabalik-telebisyon ng soap na nagpasikat kina Sunshine Dizon, Antoinette Taus at Kim Delos Santos. ang “Anna karenina”  na si Joyce Ching sa kanyang co-tweens na si Kristoffer Martin, dahil alam naman daw nito maganda ang samahan ng dalawa.

Ayon nga ni Hiro, trabaho lang daw ang pagsasamahan nila ni Joyce bilang bagong loveteam na susugalan ng GMA-7, kaya naman daw walang dapat ipag-alala si Kristoffer lalo na ‘t iisa lang naman ang kanilang manager.

Malaki daw ang paghanga ni Hiro sa galing umarte ni Joyce at alam daw nito na marami siyang matutuhan pagdating sa pag arte sa kanyang ka-lovteam. Ito daw ang ikalawang pagkakataong magsasama silang dalawa, dahil una na silang ipinareha ni Joyce sa Tweenhearts kung saan naging ka-love triangle ito sa tambalang Joyce at Kristoffer, kaya naman daw wala naang ilangan factor sa kanilang dalawa.

 John’s Point
by John Fontanilla

loading...

4 thoughts on “Charice, deadma lang sa mga nangungutya!

  1. ako aaminin ko diko parin lubos na tanggap angmga 3rd sex kc nga ang alam ko e babae at lalake lng ang nilalang ng DYOS at  un ang nasusulat sa bibiliya…pero sa kabilang banda kahanga hanga din c charice khit papano kc ang bilis nya inamin atdina pianatagal pa ang pgtatago ng 2nay nyang pgkatao unlike oders na ang tagal2 ng ngtatago at ngpapapanggap at marami cla dilang sa showbiz  kundi sa mga pngkaraniwang tao,…sbagay knya2 ng paniniwala at diskarte yan…

  2. KAKAIYAK ANG TELL-ALL INTERVIEW NI CHARICE HA. PINAKAMAGANDA YUNG SINABI NIYANG, “HINDI KO PO ALAM KUNG ANO YUNG PROBLEMA KO…KASI PARA PO SA ‘KIN, WALA PONG PROBLEMA.” TAMA NAMAN. SA SARILI NYA, WALA SYANG NAKIKITANG MALI SA PAGIGING LESBIANA. MGA TAO ANG HUMUSGA SA KANYA. AT HUMIHINGI PA SYA NG PATAWAD SA MGA DI MAKAUNAWA AT SA MGA DI MAKATANGGAP SA KANYA. OH DI BA. BAT SYA HIHINGI NG TAWAD? ANO NGA BANG KASALANAN NYA? KASALANAN BA ANG MAGING LESBIANA? NAKOH CHARICE, NAGULAT LANG KASI ANG PUBLIKO SA CHANGE OF IMAGE MO. NGAYONG LUMANTAD KA NA, QUERIBELS NA. GORA AT SING LANG NANG SING! 

    • kaso hindi ganyang image ang hinahangaan ng mga tao. Ang hinahangaan ng mga tao ay yung ideal. Yung image niya ay hindi ideal. totoo siyang tao pero hindi kahanga hanga.

Leave a Reply

Your email address will not be published.