Charice, dapat ding magtira ng misteryo sa sarili

O, HUWAG na tayong masyadong nagko-concentrate sa isyung pag-amin ni Charice na siya’y isang “pards”.
Mag-concentrate na lang tayo sa talent ng bata na isang napakahusay na singer-performer at inaanak pa nga at naging manager pa si Oprah Winfrey at anak-anakan din siya nina Ellen Degeneres at minentor siya ni David Foster.
Hindi na rin mabilang ang pagkilala kay Charice sa ibang bansa at naging guest din sa iba’t ibang TV shows abroad.
Ilan lang ‘yan na baka kasi nakakalimutan na ng ibang Pinoy, kaya ipinapaalala lang namin sa inyo.
Ke Charice din, baka p’wedeng ipahinga na niya ang kasasagot ng tungkol sa gender niya, saka na lang siya umamin uli kung mare-realize niyang hindi po pala ako tomboy, babae po akong nagkakagusto na sa opposite sex.
Kanta ka na lang nang kanta, Charice, at magtira ka rin ng konting impormasyon sa sarili mo para naman me misteryo pa sa pagkatao mo na siyang kakapitan ng mga fans mo.
Nagmamahal, Ogie Diaz.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

8 thoughts on “Charice, dapat ding magtira ng misteryo sa sarili

  1. Mr. Ogie, di ba isa ka sa nagsulat sa pagiging “ma ere” at feeling Hollywood ni Charice kapag hindi siya nagpapaunlak ng interview? Pag hindi siya sumagot sa mga tanong ng mga tabloid reporters na katulad mo, ano na lang ang isusulat nya? kapag sumagot naman, may masasabi din? Saan siya lulugar?

  2. Ms. O,
    Si Charice na ang pinaka-maarteng tomboy na nakita ko sa entertainment industry. Not even Aiza and Ellen de Generes did what she is acting now. Nakakasuka na siya, honest. Pls. lang tell her to stop her being maarte and start acting simple.

    Thank you and more power
    leo

Leave a Reply

Your email address will not be published.