Charice burdado!

NAKAKALOKA ANG Instagram post ni Charice last Saturday, ipinakita kasi niya sa kanyang followers ang kanyang upper part ng katawan na kitang-kita ang kanyang tattoo sa dibdib at balikat. Sabi niya, “Ashteg. Medyo baklers pero ashteg! Hehe.”

Parang dinungisang masyado ng singer ang kanyang katawan, ha? Sana hindi na niya dagdagan ang kanyang mga tattoo though kasabihan nga ngayon, art form na rin daw ito. Pero kapag masobrahan na ay baka dirty-ness na itong tingnan, what do you think, Charice?

 

WALA NAMAN daw masasabi pa si JC de Vera sa takbo ng show nilang Cassandra: Warrior Angel dahil madami raw ang nakapansin sa show. Kahit daw pagod at nagkasakit na siya sa taping, wala raw siyang maireklamo sa trabaho nila dahil mababait ang kanyang co-stars.

Kuwento pa niya, “Ang Cassandra, heto pagod at nagkasakit ang inabot namin sa sobrang effort for the show.”

Busy rin ang kanilang grupo sa pag-iikot sa malls para sa Go Fresh Go 5 mall show na pinangungunahan ng Cassandra at iba pang Kapatid shows.

Hiningan na rin namin ng update si JC tungkol sa nauna na niyang sinabi noong grand presscon ng Cassandra na baka daw pagdating ng Hunyo ay magkakaroon ng malaking hakbang na gagawin sa kanyang career.

Saad niya, “Wala pa, wala pang update, wala pa akong plans pa na kung anuman eh, kasi mahal ko ang TV5 before anything na gagawin ko, priority ko talaga ang TV5. So, kung anuman ‘yung natsi-tsismis at nasasabi ng iba na baka mag-transfer, TV5 ‘yung unang makakaalam nu’n.

“So right now, busy naman ako with Loko Moko U, tapos may Cassandra, merong isa pang telecine na papasok. So, wala… pinupunuan naman talaga nila ‘yung trabaho ko. So, wala naman akong naging problem. And siyempre, para sa akin, sino ba ang tatanggi sa trabaho kung binibigay naman nila ang trabaho? Sino ba naman ako na magmamalaki na umalis, ang kulit ko naman nu’n ‘pag umalis ako.”

Dagdag pa ni JC, sa ngayon daw ay ipinagpasalamat niyang nakasama siya sa Loko Moko U dahil unti-unti na itong napapansin ng mga manonood tuwing Linggo.

“Isa yun sa mga rason din na kini-keep ko sa aking sarili kung bakit hindi ako makagawa kahit anong hakbang . It’s because mahal ko ‘yung Loko Moko U. ‘Yun ‘yung medyo hirap na hirap ako kasi mahal na mahal ko kasi ‘yung show, so siguro du’n, du’n muna ako sa ngayon, future plans wala pa.”

Inusisa din namin siya tungkol sa lumabas na balita dati na diumano ay nakikipag-usap siya sa TRIPLE A talent management, kung saan ito ang nilipatang management din ni Marian Rivera.

Sabi niya, “Katulad nu’ng sinabi ko kanina, wala pa akong future plans and pagdating naman with Tita Annabelle (Rama), wala pa rin akong talagang plano pa. Ang ginagawa ko lang ngayon ay ini-embrace ko lang kung ano ‘yung meron ako. ‘Yun ‘yung TV5 at inaalagaan naman nila ako at sila na ang bahala kung ano ‘yung mangyayari sa akin in the next few months and ‘yun nga, magsasabi naman ako, ‘pag meron na ako, ‘pag meron na akong final decision, at TV5 ang unang makakalaam.”

 

SUPER ENJOY sa Boracay si Gretchen Barretto and company last week. Naka-post sa kanyang Instagram account ang kanilang activities habang nasa pinakasikat na beach sa bansa.

Pero bago pa siya nagpunta sa Bora, nag-post ito ng larawan niya kasama ang mga kaibigan.

Pero isang follower ni Gretchen na may IG account name na @ricoclaudine4ever ang nag-comment sa larawang ito ng, “Pera lang ang impt sa’yo at pagyayabang mo ng foods, clothes etc!!!!! E wala ka naman kuwentang anak!!!! Sabi mo you go to churh, but then sinusuway mo naman ang utos ng panginoon. Honor your Mother and Father.”

Hindi nag-react si Gretchen dito pero may isang follower na may IG account name na @jjbarretto ang sumagot dito. Aniya, “ricoclaudine4ever..halika..i honor ko father n mother mo..paguntugin ko silan dalawa….hampas ko pa nuo mo sa pader…hahaha”

May isa namang follower ang nagtanong ng, “Is this really THE jj barretto?

Wala nang sumunod pang comments tungkol sa isyu.

Kay JJ nga ba talaga ‘yung account na ‘yun? Nakakaloka kasi ang kanyang comment, pag-untugin daw at hampas ang ulo sa pader. Scary much!!!

 Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

25 thoughts on “Charice burdado!

  1. basta SUPER GANDA NG MY HUSBAND’S LOVER. SUPER GWAPO NI TOM RODRIGUEZ. ang galing naman ni ms. glydel mercado.

  2. NAKAKALIMUTAN NA BA NG LAHAT? Before yang tomboy ako issue…wala na…wala na issue si CHarice!!! D ba Jessica SAnchez na hinahangaan ng pinoy?? 
    Tuwa lang ni Charice at Napaguusapan na naman siya.pero SA TOTOO LANG …LAOS NA SYA before the tomboy issue dito sa Pinas at US…

  3. himala hinde tungkol kay willie revillame ang article ni arniel serato, bakit kaya nahuli ba ang pampadulas , nakakamiss yung puro papuri mo kay willie hehe

  4. Burdado pala si Tomboy Charice.. San ba sya nakulong sa Munti o sa Manila City jail.. Anong tropa nya OXO,, Sigue-sigue o bahala na Gang,,,,,,Nagtatanong lang po,, Ang mapikon taga Mental. 

  5. sorry na lang sa iba na hindi masakyan ang generation ngayon. lalo sa issueng mga pinoy sa tatoo. mababaw pa ang mga pangunawa at edukasyon ng mga pinoy. palawakin nyo ang pang unawa. magbasa ng mga libro na may saysay. (sociology, humanity, ethics, enviroronment, poli sci, etc.) hindi puro drama at teleserye.

    • HAHAHAHAHA! HONGTARAY! PERO TAMA KA NAMAN. AKO RIN, NUNG UNA, AYOKO RIN NG TATTOOS. PARANG MARUMING TINGNAN. ONCE UPON A TIME PA NGA EH ASSOCIATED ANG TATTOO SA MGA INMATES AT CONVICTS. KASO, HABANG NAGTATAGAL, NAGIGING EN VOGUE NA ITECH! WA NA TLGANG MAGAGAWA JAN DAHIL SABI NGA, GO WITH THE FLOW! PATI NGA MGA RINGS, ABA, DATI PANG DALIRI LANG, NGAYON, MERON NA SA DILA, SA ILONG, SA PUSOD AT PATI SA PRIVATE PARTS! HAHAHAHA. ARAY KO, MASAKIT!

  6. c la greta buttoks queen nman ang kapal din tlaga ng mukha nyan …buti pasi marjorie  inamin nyana mdyo nahiya dinza sa publiko at natakot mglalabas nung kasagsagan ng isue sa knilang pamilya pero itong c  buttoks queen wala kng makikitang gnun…prang wala lng sa knya kc nga makapal na tlaga mukha dhil sa kabubuttioks..,kgbi nga sa GGV super kainis at epal nya,,,pra zang naka drugs at prang baliw…pati c vice nga e nainis sa sobrang kadaldalan at kalukahan nya…akala nya nakakatawa za pero pati audiens kita mona bwisit sa knya…ni hindi nanga nakapgsalita c marjorie na sinasaway naza pero ayaw tlaga tumigil ng bruhang maldita….

      • ay zenza na teh ano ba correct spelling…ganito ba botox….dibale mukha nman zang pwet khit maganda za kc ang sama ng ugali nya atsaka dina nman natural ang mukha nya dhil sa kabobotox….tama naba spellling ko teh…

      • AY TEH, AKALA KO EH SINADYA MO. SABAGAY, SA SOBRANG BOTOX NI LA GRETA EH BAKA NGA MUKHA NA SYANG PWET? HAHAHAHA

  7. wala iba na tlaga mundo  ngaun masyado ng wild mga tao…dati mga preso sa munti lng ang ngpapa tattoo kya alam na alam mo pg galing nga munti kya kinatatakutan tlaga cla…pero ngaun dilang mga preso at mga maton kundi  pati mga  lalake at   pati mga babae nrin atdina simpleng tattoo lng kundi ung iba e buong katawan pa ang pinalalagyan nila kya nakakatakot at nakakadiri tlaga cla tgnan….samga artistang lalake c billy joe ang nakita kona puno ng tattoo…samga babaeng tibo naman esi aiza at ngaun e sumusunod nasi charice…masyado ng binabago at pinapakialaman ng mga iba ngaun ang nilkha ng DYOS sama na natin dyan ang mga ngpaparetoke at ngpapabago ng itsura…at ang usong uso  rin ngaun na mga nagiging lalake o babae…pinapalitan ang knilang mga ksarian…

  8. akala naman nitong jc de vera na to super sikat siya, eh di dyan ka na lang talaga sa tv5 tambakan ng mga laos hahahaha!

  9. SA NGAYON COOL PARA SA INYO ANG TATTOO, PERO PAG NAGING MGA LOLA NA KAYO, TINGIN NIYO MAGIGING KAGALANG-GALANG KAYONG TINGNAN DIYAN?  

  10. JUICE KOH, KUNG ANONG PILIT PAGTATAGO NI CHARICE NOON, SYA NAMANG OA ANG PAGGI-GUEST NYA AT PAGPAPA-INTERVIEW KUNG SAAN-SAAN. JUICE MEH, BAWAT SHOW YATA NG ABS AT GMA EH NANDUN ANG KOYAH NYO! HAHAHAHA

  11. Ngayon nilabas ni Charice ang pagkatao niya na dati ay Girl siya na ngayon ay Lesbiana na siya. kung nagawa ni Charice na gawin ito, wala na rin akong magawa na hindi ito gawin..The truth will always prevail. Ang Totoong named ni Charice ay Charlie Rice na sa ngayon ay nakatira siya sa Pandakan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.