Charice, best scene sa Glee ang audition scene!

The whole world just can’t get enough of Charice! Pagkatapos ng kanyang television show guestings abroad, rubbing elbows with Hollywood’s A-listers, and releasing her successful international debut album with the smash hit song Pyramid, Charice is now making big waves as Sunshine Corazon in the second season of the hit US musical TV show Glee.

Pinabilib ni Charice ang lahat when she performed Lady Gaga’s Telephone kasama ang Glee lead star na si Lea Michelle. Pero ang itinuturing ni Charice na best scene para sa kanya ay ang kanyang audition scene where she sang Listen. Iba raw kasi ang dating dahil nandoon ang buong cast at nakita niya ang kanilang mga reaksiyon habang siya ay kumakanta.

“For me po super the best scene po talaga nu’ng kinanta ko yung ‘Listen’ kasi nandu’n po silang lahat, kumpleto po iyong cast. Sabi nga po nila, totoo nga raw po ‘yung reaction nila du’n. Masasabi ko po talaga, ‘yun po ‘yung best na shinoot ko po sa buong episode na ‘yun.”

Dagdag pa niyang kuwento tungkol sa reaksiyon ng cast, “Natural po ‘yun, hindi po sila binigyan ng directions po. Pinuwesto lang po sila tapos sabi lang po ng director na just do whatever you want, sige kung anong reaction ang ibigay ninyo. I mean, except po of course kay Lea Michelle, kailangan po talaga, ganu’n ‘yung reaction niya.” In the series, Rachel, played by Lea, is threatened by Sunshine’s vocal prowess.

Dahil sa kanyang remarkable performance, marami ang nagtatanong kung lalabas pa ba si Sunshine Corazon, ang karakter ni Charice, sa mga susunod na episodes ng Glee. In her interview with Ms. Tina Monzon-Palma of ANC’s The World Tonight, sinabi ni Charice na babalik pa si Sunshine sa ibang episodes ng programa.

Sayang nga lamang at hindi siya nakasama sa Britney Spears episode ng Glee. ‘Di bale, marami pa namang mga pagkakataon. Pero ganoon pa man ay dapat pa rin nating panoorin ang mga kapana-panabik na tagpo sa Glee.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Related Post

loading...

12 thoughts on “Charice, best scene sa Glee ang audition scene!

  1. MAGALING SI CHARICE GRABE ANG MGA POSITIVE COMMENTS SA PERFORMAnCE NIYA GALING SA MGA INTERNATIONAL CRITICS NAMIMINTAS LANG SA KANYA KABABAYAN NIYANG INSEKYUR

  2. I heard na 5 episodes sana si charice sa glee but because of that botox incident with vicky belo, parang naging guest singer na lang si charice sa glee.

      • Kung may utak ang mga nagsasabi tungkol sa Botox, walang wrinkles si Charice kaya totoo ang sabi na jaw problem kaya nagpaBotox siya. Ang pagimprove ng hitsura ay incidental lang na ginawang focus ng doctor para magkaroon siya ng mas maraming pasyente.

Leave a Reply

Your email address will not be published.