Charice and Bruno Mars together in a project

ANG KABILIN-BILINAN PALA ng kanyang Ninang Oprah (Winfrey) kay Charice eh, huwag na huwag muna raw siyang magbo-boyfriend.

At makikita naman sa dalaga na she takes this to heart. Kaya nga, ipinapakita rin ni Charice ang pagiging masunurin niya – lalo na sa mga managers niya na nagpapatakbo ng kanyang magandang career ngayon sa Hollywood.

Ngayon naman, abang na abang na ang mga Gleeks sa muling pagsalang ni Charice sa programang Glee. Naibalita na kasi ang pagbabalik ni Charice sa bagong season nito kaya ang mga tagahanga ng dalaga rito sa ‘Pinas eh, nakaantabay na sa muling pagsabak ni Sunshine Corazon sa nasabing palabas.

Limang episodes diumano ang nakatakdang gawin pa ni Charice. At bukod sa pag-arte niya sa nasabing musical co-medy series eh, tuloy pa rin ang pagiging recording star niya at mukhang dadami pa ang mga sikat na singers, pati songwri-ters na magko-collaborate to do a lot of projects with her. Nabanggit na nga ang pangalan ni Bruno Mars.

At bukod sa pagsalang niya sa “Glee”, may pelikula rin palang gagawin doon si Charice. Nakatakda siyang lumabas sa pelikulang “Here Comes the Boom” kasama ang Filipino-American actor na si Reggie Lee. At sa nasabing pelikula, makakasama rin ni Charice ang mga sikat na artistang gaya nina Salma Hayek, Kevin James at Henry ‘The Fonz’ Winkler.

Naaaliw ako kay Charice whenever na napapanood ko siyang sumagot sa kanyang interviews at sa mga nababasa ko ring mga sagot niya sa mga tanong sa kanya. At nitong Holy Week, naaliw ako sa panonood ng naunang serye nito sa “ETC”.

She’s one girl who truly knows where she’s headed. Masunurin at hindi pasaway. And she really knows where her boundaries of endless possibilities are!

BLIND ITEM: PARA lang nga siyang nagpapalit ng damit every time na may  maba-balitang bago sa buhay ng artistang ito.

Kaya, hindi na kami nagtaka nang may mag-tsika sa amin na madalas niyang makita ang nasabing artista sa isang condo na katunog ng isang bulaklak ang pangalan.

Akala raw kasi nu’ng kaibigan kong nag-tsika sa akin about it eh, may karelasyon ang nasabing artista in showbiz. Eh, sabi ko nga, parang may flavor of the month lang. Kung kelan lang maisipan na type niya na may karelasyon siya – ayun pag-uusapan.

Eh, lalo kaming nagulat sa tsika sa amin ng aking kausap. Non-showbiz daw nga ang nakikita niyang may-ari ng nasabing condo kung saan madalas na tumuloy ang nasabing sikat na artista. Dumarating daw ito roon na wala namang kasamang kahit alalay o driver. At madalas na nga raw na du’n ito nag-i-stay sa nasabing condo.

Tinanong ko pa sa kausap ko kung ano ang sasakyang dinadala ng nasabing sikat na artista. Tama naman ang sinabi niyang brand ng sosyal na kotse nito.

At hindi na rin kami nagtaka – nang sabihin ng aking ka-tsika na hindi taga-‘Pinas ang matagal na palang ‘kalaro’ ng nasabing artista sa nasabing condo.

Sabi ko rin – given na ‘yun. Mahilig talaga ang nasabing artista sa foreigners. Depende nga sa takbo ng utak niya.

Hindi ko lang sure kung mahilig sa German sausage ang nasabing artista.

Eh, kung masaya siya sa ganoong klase ng relasyon, sabi ko sa ka-tsika ko eh, hayaan na lang natin siya. ‘Yun nga lang – may mga nade-deceive siyang tao sa image na ipino-project niya sa kanyang mga tagahanga.

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

4 thoughts on “Charice and Bruno Mars together in a project

  1. this one is nice knowing that both are great and talented performers. this would be a boost to Filipino morale again knowing that both have already made a name abroad. good luck and more power to Pinoys!

  2. Thank you for writing this nice article about Charice. This girl struggled (and still struggles) to gain recognition from her compatriots. More often, she gets lambasted just for being herself, working hard, and representing her country in a very positive way. Being thrust into the monstrous machine that is Hollywood, Charice is handling all the challenges and expectations fearlessly yet gracefully. And she’s only 18 years old. Very admirable, indeed! Thank you once again, Ms. Mateo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.