Character actress Vangie Labalan, spending her money with young boyfriend?!

MARIING PINABULAANAN NG mahusay na character actress na si Ms. Vangie Labalan ang kuwentong nahuhumaling siya sa isang batang-batang D.I. na itinuturong boyfriend niya, at sobrang laki raw ng agwat ng kanilang edad.

Dito nga raw sa bagets niyang papa inuubos ni Ms. Vangie ang kanyang salapi. Grabe raw kasi itong magregalo sa kanyang young papa na balitang binigyan nito ng mamahaling sasakyan, alahas, damit at sustentado ng big cash buwan-buwan.

“It’s not true! Wala akong young papa. Baka ang sinasabi nila, si Starsky, ‘yung TT ko… Teacher in Tango, hahaha! Hindi na bata ‘yun, mukha lang at napagkakamalang bata lang.

“Never akong na-in love sa mas bata sa akin at never kong uubusin ang inipon at pinaghirapan kong pera sa lalaki, ‘noh! At higit sa lahat, hindi ako namimigay ng kotse, alahas at kung anu-ano pa! Baka nami-misinterpret lang nila ‘yung closeness namin ni Starsky, pero hindi naging kami.”

Tsika pa nito, masyado siyang busy sa kanyang trabaho bilang artista, acting coach ng mga baguhang artista, at iba pa, at walang time para makipag relasyon, lalo na sa bata. Tsika nga nito na nakatakda siyang pumunta ng Australia dahil meron siyang imbitasyon mula sa mga Pinoy community roon na magturo ng acting sa mga Filipino na nandoon.

 

BALITANG BILANG NA ang araw ng teenshow ng ABS-CBN, ang Good Vibes, at papalitan na ito ng bagong variety show na may tentative title na Growing Up, na pagbibidahan naman ng Primetime Princesses ng ABS-CBN na sina Kathryn Bernardo at Julia Montes, at iba pang young stars ng Kapamilya Network.

Hindi raw kasi umubra ang Good Vibes kontra sa Tween Hearts ng GMA-7 na hindi talaga matinag sa pagiging number 1 sa kanyang time slot tuwing Linggo, na siyang katapat ng malapit nang matsuging teen show. Kaya naman ang ending ay tatapusin na ito at sina Mara at Clara naman ang susubukang isabong sa TH.

Pero mukhang mahihirapan ang Growing Up na maungusan kaagad ang mataas na rating ng TH, dahil habang parami nang parami ang casts nito, mas lalong pataas nang pataas ang ratings nito, at masyadong marami na ang sumusubaybay rito.

 

AYAW NA DAW magkomento pa ni Mia Pangyarihan, isa sa original SexBomb girls sa pag-alis ng kanyang co-SexBomb at itinuturing na isa sa malapit nitong kaibigan sa loob at labas ng industriya, na si Rochelle Pangilinan sa poder ng kanilang manager na si Joy Cancio.

Ayon kay Mia, desisyon daw ‘yun ni Rochelle at ayaw niyang panghimasukan pa. May kanya-kanya raw silang desisyon at pare-pareho nilang nirerespeto ito. Basta siya raw ay magiging loyal kay Joy at hindi niya ito iiwan.

Mas gusto raw nitong pag-usapan ang pagkakasama niya sa Amaya, kung saan ginagampanan niya ang isang Babaylan na alipin ni Raha Linangan na ginagampanan ni Ayen Munji.

Kabado nga raw si Mia dahil medyo matagal-tagal na rin siyang nabakante dahil sa pagkawala ng Daisy Siete sa ere, kaya naman daw feeling nito ay balik siya sa step 1 ng pag-arte. Pero gagawin naman daw niya ang lahat para magampanan ang role na iniatang sa kanya.

Sa ngayon daw, ang pag-arte ang focus ni Mia. Pero hindi naman daw nangangahulugan na iiwan na niya ang kanyang passion sa pagsasayaw, dahil sa pagsasayaw daw siya unang nakilala at nag-open sa kanya ng maraming pinto ng oportunidad, kasama na ang pag-arte.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

3 thoughts on “Character actress Vangie Labalan, spending her money with young boyfriend?!

  1. [Belat!]

    ABS-CBN Extends Youth-Oriented Show ‘Good Vibes’ ;)

    June 11, 2011

    ABS-CBN has good news to the fans of top-rating youth-oriented program “Good Vibes.”

    Due to the show’s dominance in the TV ratings and the outpour of positive feedback from viewers, the Kapamilya Network is extending the program to more than the usual thirteen weeks or one season.

    That means more episodes to watch for supporters of the “Good Vibes” crew led by teen idols Sam Concepcion and Enrique Gil.

    James Reid, one of the cast members, will surely be elated about this development as he had wished for this on his birthday.

    “This is my first TV series, so it means a lot to me to hear that the ratings are high and that our dance performances were great. We’ve all put a lot of time and hard work into our dance workshops to get where we are,” he said.

    Like him, his co-stars are also excited to deliver stories that today’s youth can relate to and learn from.

    Model-turned-actress Coleen Garcia said she cherishes the chance to spend more time with the group as they have gotten really close.

    “I’m happy because we can still bond. It also means we have more opportunities to make the stories on the show really stick to the viewers. This is also a chance to show everyone how much we are improving as time goes by,” she said.

    Enrique, who professed his love for the show, also teased about the developments to come in their show.

    “They will get to know more about each character. Mas marami pang pasabog,” he said.

    Speaking of explosive scenes, this Sunday (June 12), Marc (Sam) will confront his half-brother Troy (Enrique) and his ex-girlfriend Monique (Coleen) after catching them together. Assuming that something is going on between them, Marc will feel slighted and heartbroken just like Geleen (Linn Oeymo), who has feelings for Troy.

    Also watch out for another passionate encounter between Franco (Arron Villaflor) and his best friend Marc’s older sister Carmi (Kristel Moreno). The two have been trying hard to conceal their relationship, but what will happen when Marc catches Franco sneaking out of their house after a tryst with Carmi?

    Don’t miss “Good Vibes” this Sunday (June 12), after ASAP ROCKS on ABS-CBN.

    http://www.starmometer.com/2011/06/11/abs-cbn-extends-youth-oriented-show-good-vibes/

  2. ay oo pla bayaran ka pala ng GMA kaya maka TWEEN HEARTS ka, check mo ratings , since nagsimula ang GOOD VIBES ilang beses na nito tinalo ang GMA 7 sa ratings ng TNS… yung AGB na ratings naman kasi binayaran na kasi ng GMA walang credibility..,.

    para ka rin palang cristy fermin bayarang manunulat walang RESEARCH… stupid writer.

  3. mag research ka nga muna ilang linggo na talo ng GOOD VIBES ang tween hearts sa Kantanar TNS NATIONAL ratings… malamang tatapusin na ang kuwento kasi 1 season lang nman lhat ang mga show sa sunday ng AB S CBN , mga pabalik balik na your song, atbp. seasonal kasi pag sunday

    RESEARCH more , wag mo ssbhn na hndi umubra,,,, bobo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.