Character actor, ibinuking na may utang na P200,000 si Krista Ranillo sa isang indie film producer! – Joey Sarmiento

ISANG SIKAT NA character actor ang nagsabi sa amin na may utang daw na 200,000 pesoses si Krista Ranillo sa isang indie film producer. Dapat sana ay advance talent fee ‘yon para sa isang movie project pero biglang nag-decide daw si Krista na huwag nang ituloy ang pelikula.

Engineer talaga ang trabaho ng indie film producer at ang character actor ang nagpakilala sa kanya kay Krista kaya medyo nagi-guilty siya dahil sa nangyari.

Hmmm, kung totoo ang mga tsismis tungkol sa mga balato na nakuha ni Krista galing kay Manny Pacquiao, siguro naman, kayang-kaya na niya itong bayaran, hendehvah?

USAPANG KRISTA PA rin. True rin kaya ang tsika na ‘yung ilang milyong piso na ibinigay raw sa kanya ni Pacman noon ay para naman ibigay niya sa kanyang ex na si Direk Dominic Zapata? Dahil nga pinag-aral siya ni Direk sa Ateneo nu’ng sila pang dalawa ang mag-on? At para wala na rin daw masabi si Direk kapag naisoli na sa kanya ang kanyang mga nagastos?

Pero ang nangyari raw, e, hindi ito ibinigay ni Krista kay Direk at sinolo niya ang pera. Ganu’n?

Feeling namin, sa dami ng mga bagay na ibinibintang ngayon kay Krista, e, kailangan na niya talagang magpaliwanag.

Na-realize tuloy namin, hindi ba’t among our local actors, e, si Mat Ranillo III ang madalas na kinukuha sa role ni Jesus Christ kapag Mahal na Araw?

Una, dahil sa mga intrigang naglalabasan ngayon, magiging believable pa kaya si Mat sa role na ‘yon? At pangalawa, kung sakali, e, baka si Krista pa ang maging in demand sa role na Mary Magdalene… joke, joke…

TOTOO KAYA ANG nabalitaan naming dalawa sa mga bagets na nakapasok ngayon sa Starstruck 5, e, brinaso nang husto ng dalawang TV executives ng GMA-7? Isang insider din ang nagsabi sa amin nito dahil hindi pinasok ang kanyang alaga in favor of the two bagets kaya hayun, ibinuko niya sa amin ang kanyang mga kasamahang executives.

Kung totoo man ito, e, nakakaawa naman ang ibang mga bagets sa iba’t ibang panig ng probinsiya na pumila at nagpakahirap para lang mag-audition samantalang umaandar pa rin pala ang brasuhan sa management side. Tsk, tsk, tsk!

LATELY AY NAGING kontrobersiyal ang MCA Music acoustic artist na si Sabrina. Why? Dahil may ilang nagre-react sa pagkaka-tie niya sa award ng Acoustic Artist of The Year ng Star Awards for Music kasama si Aiza Seguerra.

Pero para matigil na raw ang kontrobersiya na ginagawa ng iba, naglabas ng statement ang side ni Sabrina.

“Her album has been consistently topping the charts. She is being sought after in international territories such as Thailand and Indonesia.She is truly the ORIGINAL songstress who redefined acoustic to a whole new level with her  acoustic album, ‘I Love Acoustic De Luxe Edition,’ that’s why it’s unfair for her if we are going to magnify the controversies roaming around.

“We believe that she deserves what she got kaya kung tie man sila ni Aiza, then, they are both deserving for the award,” sabi pa ng statement na galing kina Sabrina.

O, ayan ang paliwanag ni Sabrina tungkol sa isyung ‘yon, okidoki? Whatdyathink, Tita Sherbet?!

For reactions please e-mail mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

9 thoughts on “Character actor, ibinuking na may utang na P200,000 si Krista Ranillo sa isang indie film producer! – Joey Sarmiento

  1. PAALALA! MGA KABABAYAN, KUNG MAY MGA IMPORTANTING DOKUMENTO (AUTHENTICATED LEGAL PAPERS), WAG NYO NA PO IPADALA VIA “LBC”. KINUKUHA PO NILA ANG IYON AT ONE DAY MAY TATAWAG SAU NA SASABIHING NAIWALA ANG DOKUMENTO. THEN, HINDI MAN LANG NILA BABAYARAN UNG NAWALANG DOKUMENTO.. THIS IS PERSONAL EXPERIENCE IN THE “LBC COMPANY”. I LOST ALL MY ORIGINAL UNIVERSITY DOCUMENTS AND THE DFA AUTHENTICATED DOCZ…HINDI ITO PANINIRA BAGKUS ITO AY PAALALA PARA WALA NA SILA MALOKO PANG IBANG TAO….THANKZ.

    • avoid nyo na lang ang LBC. meron din ako bad experience sa kanila. tapos hindi pa marunong sa customer service ang mga reps nila. ang susuplado/da. parang istorbo ka sa kanila kapag kinakausap ka nila.

  2. wag kayong manghusga kung ayaw nyong husgahan kayo. kung sino man ang hindi nagkakasala o nagkakamali, yun ang may karapatang humusga. kayong mga hindi perpekto, titigan nyo muna ang kilikili nyo sa salamin bago nyo husgahan ang isang nilalang.

  3. Hay, naku!!Ang daming naglalabasang baho ni KRISTA whoreNILLO. dapat na tlga xang mgslita. pati si manny pacquiao. Magsalita na kasi eh. Idedeny lng nmn oh ssbhn ang totoo tlga. Naku!! Krista kung inosente ka tlgang tao, tumayo kna, at ipagtanggol mo srili mo!!MAGSALITA KNA!!

  4. Swapang at ganid pala talaga sa pera si Krista Ranillo. Manang mana sa tatay na si Mat Ranillo. Kawawa din si Michael de mesa na ginawang palabigasan ni Mat Ranillo noong sila pa ni Krista.Kaya naghirap at ayun…pumunta na lang ng US! Driver na lang doon ng ambulansiya .

    Tapos ganyan din pala ang gagawin ng mga Ranillo ke Dominic Zapata.

    Hindi malayong mangyari iyan ke Manny Pacquiao. Marunong sa hokus pokus ang mag amang Ranillong iyan. Bago pa mag asawa ang Mat Ranillo, naghabol na iyan ng yaman ng asawa niyang Topaz.

    Like father..like daughter ang dalawa pagdating sa pera.
    Like Lola…like apo pagdating sa kati at kalikutan sa mhin!!!

    • pwede ba, nakakaumay na itong issue na ito, wala na bang bago? Pagpahingahin naman ninyo si krista at ang pamilya niya. parang tuwang-tuwa pa kayo sa nangyayari sa kanila.

      • korek ka dyan Asus, nakakaumay na mga witers na ganito. Pulos daw, raw , may balita na kumakakalat kuno as if totoong tutuo. mga bwisit yang mga ganyan na writers

Leave a Reply

Your email address will not be published.