Chaperone ang buong pamilya Sarah Geronimo at Gerald Anderson, natuloy rin ang Valentine’s date!

NATULOY RIN ang much-awaited Valentine’s date nina Sarah Geronimo and Gerald Anderson.

At siyempre pa, present ang madir ni Sarah at ang kanyang pamilya roon sa date.

“It was a group date. Magkasama kami. Nag-KTV kami. Nandu’n ‘yung nanay niya. It was a great fun night,” kuwento ni Gerald sa launching niya as the newest endorser of Mint, isang clothing line.

Iwas pa rin si Gerald sa issue sa kanila ni Sarah.

“‘Wag na tayong magdetalye kasi personal life ko na ‘yun. Okay na ‘yon. Masaya ako. Hindi lang dahil nakasama ko si Sarah noong Valentine’s Day (ay) ibig sabihin ‘yun nga, kami or ano. Kumbaga, single siya, single ako, walang masama roon.”

Masakit para sa actor ang iwan ang Bench pero sabi niya, ang paglipat niya sa Mint ay bilang “growth na niya rin as an endorser”.

Ang isa pang naka-excite kay Gerald ay may mga charities silang gagawin para sa Mint.

AFTER CARLA Abellana, si Lovi Poe naman ang natsitsismis na lilipat sa ABS-CBN. Nagpaparamdam daw si Lovi na gusto na niyang iwan ang Siyete.

Eh, bakit naman niya iiwan, eh, ang ganda-ganda ng estado niya sa GMA. Palagi siyang may project at hindi na nga siya magkandaugaga sa mga assignment niya.

TRUE KAYA na sumama ang loob ni Sharon Cuneta sa Viva dahil hindi masyadong na-promote ang show nila ni Martin Nievera?

Hindi gaanong napuno ang Araneta Coliseum noong mag-show sina Martin and Sharon. Surprisingly, mas napuno pa ni Anne Curtis ang nasabing venue kahit na non-singer siya. Noong mag-show rin sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid ay SRO naman.

TUMANGGI SI Jessy Mendiola sa tsikang dyowa na niya si JM de Guzman.

“Nanliligaw lang siya,” paglilinaw ni Jessy sa launching niya as endorser ng BubbaTealicious Peral Milk Tea Place.

Kaso, naudlot ang pagliligaw ng aktor dahil natakot ito sa madir niya dahil pinagsabihan siya nito na trabaho muna ang atupagin.

“Kaya kami nai-issue kasi most of my friends ay magkakakilala. Minsan ‘pag lumalabas kami na magkakasama, naiisyu kami. Ang dami-dami naming magkakasama, nandiyan sina Matt Evans, Xian Lim, Dominic Rocco. Para sa akin, lalabas lang, kami na?”

Sa tsismis na gusto siyang ligawan ni Gerald Anderson, ito ang sagot ng dalaga: “Close friends lang po kami ni Gerald at saka very professional lang kami.”

Kinorek niya ang lumabas na balitang nag-date sila ni Gerald.

“Hindi po ako sumama kay Gerald sa mall,” sambit niya.

Clueless ang hitad sa tsikang gusto siyang ligawan ng aktor.

“Hindi ko po alam. Hindi naman niya sinasabi sa akin. Sana sabihin niya in person, kasi kung sa iba ko naman naririnig ayaw ko namang mag-feeling. Kunwari may manligaw sa iyo, dapat sa iyo sabihin,” she explained.

 
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleLipat-Singko na rin Christian Bautista, lalayas na sa Dos!
Next articleNawala na raw kasi ang macho image Mga project na para kay Piolo Pascual, napupunta kay Coco Martin?!

No posts to display