Chandler Parsons to KC Concepcion: She’s a great girl!

Chandler-Parsons-KC-ConcepcionNAGING MAUGONG ang balita tungkol sa pagde-date nina KC Concepcion at NBA cager na si Chandler Parsons. KC was with her sisters Garie and Cloie samantalang kasama naman ni Chandler ang kanyang mga kaibigan when they had dinner last October 8.

Chandler and his Houston Rockets team were in the country for a pre-season game against the Indiana Pacers at the SM MOA Arena. Ito ang kauna-unahang NBA game sa bansa kaya naman dinumog nang husto ng basketball enthusiasts ang MOA para masaksihan ang inaabangang laro.

KC posted some photos of their friendly date on her Instagram account. “Mabuhay! So much to see, so little time! Fun night with my ladiez & the big boys.”

Bago pinost ni KC ang mga larawan ay nauna nang inamin ng basketbolista na totoong nag-date sila ni KC. In an interview with ABS-CBN News ay sinabi niyang, “We had dinner last night. We had a mutual friend who put us in contact, and hopefully we can do some work together in the future here. She’s a great girl, and I had a good time last night.”

Matatandaang biniro noon ni Kris Aquino sa kanyang show na Kris TV si KC nang ito ay mag-guest co-host. Kris teased her sa isang hindi pinangalanang basketball player.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko that KC and Chandler have been following each other on Twitter and they were also exchanging tweets on the micro-blogging site.

The public will watch with bated breath kung mag-level-up man ang pagkakaibigan nina KC and Chandler at mauwi ito sa pag-iibigan.

Meanwhile, Chandler enjoyed his short stay in the country and only had good words about Filipinos. “There are some beautiful women here, everybody’s so nice. Everyone’s so sweet and generous, and the hospitality here has been unbelievable. The people at the hotel, you guys at the media have been unbelievable.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

6 thoughts on “Chandler Parsons to KC Concepcion: She’s a great girl!

  1. sila nalang dalawa mag kwentohan ni baliw kris at obnoxious boy! wlang sisikat na artista kasi gusto ni boy si kris aiai at mga talent ni boy lang ang pag uusapan.! ayaw ni kris ng natatalbugan kaya sya nalang ang magiging centro ng program pagnagkataon!

  2. Buzz ng ANO BA YAN, ang daming NEGATIVEcomments na natanggap. Boring daw at step down version ng The Buzz. Papaano naman, parehong boring ang ipinalit. Si Janice at si Carmina ? Kulang na lang ang unan sa set at tulog na ang lahat. Kung sino ang may idea nito, tanggalin na at sibakin. ABS-CBN needs a good talk show. Ang SIR ng dalawang ito. hindi man lang umabot sa top ten, maski minsan, tapos sila pa ang ipapalit kay Charlene at Toni. Where’s your brains. Ibalik si Kris Aquino at si Toni Gonzaga. Charlene can have her own show similar to that of Judy Ann Santos. MISTAKE, BIG MISTAKE. BUZZ NG ANO BA ‘YAN?

    • Pasensiya na sa out of topic post ko. Gusto ko lang mabasa ni Boy Abunda ang reaction ng marami sa bagong show niya. As far as KC is concerned, mukhang nag dinner lang naman sila with a group of friends. Hindi ito date. No big deal.

Leave a Reply

Your email address will not be published.