Championship ng TRUST Bunong Braso Challenge,Todo sa Saya!

NAGING MAINIT ANG championship round ng Bu-nong Braso Chal-lenge ng TRUST Quality Condoms na kinatuwaang panoorin ng mga tao sa Ever Gotesco Common-wealth noong ika-6 ng Agosto.

Mula sa 256 na challengers, itinodo ng 32 matitipunong kalalakihan  na    nag-

qualify sa cham-pionship round ang kanilang lakas sa pakikipag-bunong braso. Kung kaya may ilang duelo na mahigit dalawampung minuto bago naitumba ng nanalo ang kanyang kalaban. Kaya naman todo din ang hiyawan ng manonood. Sa gitna ng init ng bawat match, nakatutuwang napanatili ng mga machong challengers ang camaraderie at sportsmanship.

Sa lightweight division, itinanghal na TRUST Bunong Braso king si Elmer Ordinado ng Las Piñas City habang si Saad “Kanto Boy” Bucay ng Las Piñas City at si Roberto Puspos ng Quezon City naman and pumangalawa at pumangatlong pwesto.

Sa heavyweight division, nasungkit ni Marciano “The Wrestler” Basas ng Valenzuela City ang kampeonato. Second placer si Cirilo “Big Man” Linihan ng Quezon City samantalang 3rd placer si Mark Luis “Big Boss” Ben ng Las Piñas City.

Ang lightweight champion na si Ordinado ay isang OFW na nag-file ng leave at hindi agad bumalik sa kanyang trabaho sa Saudi Arabia para sa labang ito. Samantalang si Basas, na 2nd placer lang sa qualifying round sa Valenzuela City, ay pinaghandaan ang championship bout sa pamamagitan ng pag-inom ng mga vitamin supplements para bumigat ang kanyang timbang at lalo pang lumakas. Nagbunga ang kanilang sakripisyo dahil sa huli, sina Ordinado at Basas ay tinanghal na mga TRUST Bunong Braso kings sa kanilang dibisyon at ang bawat isa sa kanila ay tumanggap ng tumataginting na P100,000 na premyo.

Bukod sa mainit na sagupaan ng mga macho, ‘di naman magkamayaw sa tuwa ang madla sa impromptu na pag-awit ng idol ng masa na si Robin Padilla na nag-bigay-suporta sa mga manlalaro.

Muling nag paalala si Robin sa lahat ng mga kalalakihan na maging responsable at gumamit ng proteksyon bago umaksyon. Si Robin mismo ang naggawad ng parangal sa mga nagwagi.

Kinaaliwan din ng mga nanood ang sexy dance number ni SexBomb Monique at sa kwelang kulitan nila ng kanyang co-dj sa Energy FM na si Tikoy Chu. Tuwang-tuwa ang mga nagwagi sa raffle draw ng appliances at TRUST gift packs sa tulong ng host na si DJ Marf ng 99.5 RT at ng mascot na si SuperTRUST.

Sa huli, ang lahat ng mga nanood ng TRUST Bunong Braso Challenge ay lubos ang kasiyahan sa espesyal na handog na ito ng paborito ng bayan, ang TRUST Quality Condoms. Bago Umaksyon, Proteksyon.  Mag-TRUST Quality Condoms.

 

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.