Chairman, Pinagbabaril sa Hapag-Kainan

PINASLANG ANG isang barangay chairman matapos pagbabarilin ng kaaway nitong mortal sa harapan ng kanyang pamilya habang

nanananghalian sa Brgy. Tabuk, Isabela City, Basilan kamakailan.

Limang bala ng cal. 45 pistol ang tumama sa katawan ng biktima at idineklarang patay sa Basilan Community Hospital si Chairman Etub-Etub ng Sumisip, Basilan.

Lumilitaw na nana-nanghalian ang biktima kasalo ang kanyang pamilya nang lapitan at paulanan ng bala ng salarin na si Tukul Gapur.

Hindi naman idinamay ang pamilya nito dahil ang biktima lamang ang pinuntirya ng suspek.

Sinisilip ng mga awtoridad ang anggulo ng personal na alitan sa motibo ng naganap na insidente.  

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.