Chairman, Niratrat ng Riding-In-Tandem

ISANG BARANGAY chairman ang maagang namatay makaraan pagbabarilin ng isa sa riding-in-tandem habang ang biktima ay nililinis ang kanyang sasakyan, na sinasabing may kaugnayan sa pulitika sa Valenzuela kamakalawa ng umaga.

Namatay sa lugar ng pinangyarihan ng insidente si Libutan, Meycauyan, Bulacan Barangay Chairman Ronald Legaspi, 46 anyos, may-asawa, sanhi ng limang tama ng bala ng .45 caliber pistol sa iba’t ibang parte ng katawan.

Base sa isinagawang imbestigasyon ng Valenzuela Police Station, ang insidente ay naganap sa garahe ng sasakyan ng biktima na matatagpuan sa boundery ng Wawang Pulo at Valenzuela City dakong alas-7:00 ng umaga.

Nabatid na bago mapatay ang biktima ay napansin ng ilang residente sa nasabing lugar ang dalawang hindi nakikilalang suspek na nakasakay sa isang motorsiklo na tila may hinihintay.

Nang dumating ang biktima sa kanyang garahe ay agad nitong nilinis ang kanyang sasakyan at sa puntong iyon ay bigla na lamang dumating ang dalawang suspek at isa sa mga ito ay agad na pinagbabaril ang biktima na nagresulta sa maagang kamatayan nito.

Walang buhay at duguang bumulagta si Legaspi sa kanyang garahe habang ang mga suspek ay mabilis na nagsitakas sakay kanilang get away na motorsiklo sa hindi nabatid na direksiyon.

Malaki ang hinala ng mga kabarangay ng biktima na may kaugnayan sa pulitika ang pagkakapaslang sa kanilang chairman dahil si Legaspi ay isang malakas na lider ni Meycauyan, Bulacan Mayor Joan Alarilla na tumatakbo uli sa pagka-mayor.

Kaugnay nito, agad namang nagsagawa ang manhunt operation ang Valenzuela PNP sa posibleng pagkakaaresto sa dalawang hindi nakikilalang riding-in-tandem.

(ROMAN MAGPOC) 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.