Chairman ng 3 Transport Coop, Binoga ang Sarili

NAGBARIL SA sarili ang chairman ng tatlong transport cooperative na nagresulta sa agarang pagkamatay  nito.

Sugat sa dibdib ang natamo ng biktimang si Ernesto Tabasa, 52, tumatayong chairman ng Seguil Bula Transport Service Cooperative, Incorporated.

Presidente rin ito ng (CONTRACA) Confederation of Transport Cooperative and Association sa GenSan.

Inaalam pa nina S/Insp. Lauro Espida ang puno’t dulo ng pagpapa-kamatay ni Tabasa sa loob ng tirahan nito sa Bliss Calumpang Subdivision, Barangay Calumpang, General Santos City.

Bigla umanong inilabas ng biktima ang kanyang kalibre .45 at pinaputok sa dibdib kaya’t binawian agad ng buhay.

Samantala, mismong pamilya ng biktima ay nabigla sa nasabing pangyayari subalit sinabi ng pamilya na nitong linggo, parang balisa ang biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.