Chairman Edu Manzano at Pinky Webb, discreet sa relasyon

SALUDO KAMI SA pagiging discreet nina Chairman Edu Manzano at Pinky Webb tungkol sa kanilang relasyon. Alam mong nagmamahalan sila, alam mong itinuturing nilang inspirasyon ang bawat isa. Pero hindi sila ang klaseng ipagbubuyangyangan sa buong mundo ang kanilang pagmamahalan.

Kumikilos sila ayon sa kanilang edad, hindi na nga naman sila mga teenager para maglingkisan sa harap ng publiko. Pero sa pagiging simple nila, mararamdaman mo ang sobra-sobra nilang pagmamahal at malasakit sa isa’t isa.

At mas maingat sila sa punto ng hindi nila pagkakaunawaan. Wala kang mararamdamang meron pala silang away, dahil propesyonal pa rin silang nagtatrabaho nang magkasama lalo na nu’ng hindi pa nagbibitiw si Chairman Edu sa kanilang pang-umagang programa.

Sabi ng isang nakausap namin, “Mapi-feel mo lang na meron silang misunderstanding dahil kapag off-cam na, hindi sila nag-uusap. Kapag okey kasi sila, sweet sila sa likod ng mga camera, alam mong walang problema sa pagitan nila,” pagdidiin nito.

Ang plano ng pagpapakasal, palaging nandiyan lang. Pero siyempre, may mga kailangan pa silang ayusin lalo na sa parte ni Chairman Edu. Kailangan pa muna nilang plantsahin ang maraming aspeto ng kanilang relasyon para makahigop na tayo ng mainit na sabaw.

Read Cristy Fermin’s Blind Item: Dating sexy actor, takip-unan ‘pag nakikipag-sex sa nakarelasyong bading!

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

One thought on “Chairman Edu Manzano at Pinky Webb, discreet sa relasyon

Leave a Reply

Your email address will not be published.