Chainsaw Operator, Patay sa Taga

PATAY NA nang matagpuan ang isang 26 anyos na lalaki na nagtamo ng maraming taga sa katawan sa isang taniman ng niyog sa Sitio Manggatong, Brgy. Tibiawan sa Makato, Aklan.

Ang nasabing biktima ay kinilalang si Daryl Jay Cawaling, chainsaw operator at residente ng Brgy. San Dimas, Malinao Aklan.

Lumalabas sa im-bestigasyon, iniwanan ni Bienvenido Temporanza, may-ari ng chainsaw sa area ang biktima at ang pinsan nito na si Regie Sarino, 26 anyos at residente din ng Brgy. Sandimas, Malinao na armado umano ng itak.

Samantala, nagulat na lang umano si Temporanza ng kanyang balikan ang dalawa ay patay na si Cawaling at maraming tama ng taga sa katawan nito, habang wala na sa area ang pinsan nito, na sa ngayon ay pinagha-hanap ng mga kinauukulan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.