Cha-Cha, ‘wag apurahin – Miriam

 

MALABO PARA kay Sen. Miriam Defensor-Santiago na maisakatuparan ang pag-amyenda ng 1987 Constitution ngayong 15th Congress.

Sa harap ito ng nilulutong pagpupulong nina Senate President Juan Ponce Enrile at House Speaker Feliciano Belmonte para pag-usapan ang posibilidad na baguhin ang ilang probisyon ng Saligang Batas sa pagbabalik ng sesyon simula Hulyo 23.

Sinabi ni Santiago na malabong mabigyang-pansin ang Charter change (Cha-cha) sa huling bahagi ng 15th Congress dahil magiging abala aniya ang mga mambabatas kabilang na ang mga re-electionist senators sa nalalapit na halalan habang kaila-ngan din na atupagin ang pagpasa ng 2013 national budget.

Naniniwala ang senadora na kung maisakatuparan man ang Cha-cha ay pagkatapos na ng 2013 midterm elections.

Hindi naman dapat apurahin ang pag-amyenda ng Saligang Batas dahil kung ang pakay ay baguhin ang ilang economic provisions nito, maaari naman aniyang gawin pagkatapos ng halalan lalo’t hindi naman nagmamadali ang mga negosyanteng makikinabang dito, dagdag pa ng Senadora.

Una nang iginiit ni Enrile na napapanahon na ang pag-amyenda ng Konstitusyon partikular sa economic provisions na hindi na angkop sa kasalukuyang panahon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.