Cha-Cha, ‘di pipigilan ni PNoy

WALANG PLANO si Pa-ngulong Noynoy Aquino III na pigilan ang kanyang mga kaalyado sa Kamara sa pagsusulong nito ng Charter Change sa pagbubukas ng sesyon ngayong Enero.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na bagama’t kaalyado ng punong ehekutibo ang mayorya sa Kamara, wala itong balak na rendahan ang mga ito sa kanilang plano na isulong ang pag-amyenda sa economic provisions ng Konstitusyon.

Ayon kay Valte, ilang ulit nang sinabi mismo ng Pangulong Aquino na hindi siya pabor na baguhin ang 1987 Konstitusyon para lamang makaengganyo ng foreign investors dahil sapat naman ang mga programa ng pamahalaan upang makahikayat ng mga banyagang  mamumuhunan sa Pilipinas.

Bahala na umano ang Pangulo kung lalagdaan o ibi-veto ang ipapasa ng Kongreso na amyenda sa Saligang Batas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.