Cha-Cha, ‘Di Kailangan sa Bangsamoro Deal

KINONTRA NI Senate President Juan Ponce-Enrile ang sinabi ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na kailangan ng Charter change (Cha-cha) o pag-amyenda sa Saligang Batas kaugnay ng pinasok na Bangsamoro deal ng gobyerno sa Moro Islamic Liberation Front bilang kapalit ng ARMM.

Ayon sa pangulo ng senado, hindi na kailangan ang Cha-cha dahil nakasaad aniya sa Konstitusyon na maaaring maibigay ang awtonomiya sa isang rehiyon tulad ng nangyari mismo sa ARMM at sa Cordillera Administrative Region.

Kung magkakaroon aniya ng parliamentary system sa Bangsamoro ay sa ilalim pa rin sila ng presidential form of government kung saan ang tumatayong prime minister ay katumbas ng gobernador ng ibang lalawigan.

Bagama’t sinabi ni Enrile na magandang trial ang Bangsamoro parliamentary government upang malaman kung nakabubuti sa bansa ang parliamentary system.

Matatandaan na iginiit ng senadora na kailangan ng Cha-cha sa Bangsamoro deal dahil base sa kasunduan, lumalabas aniya na magiging parliamentary o federalized system of government na ang ipatutupad sa Bangsamoro.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.