CGMA, puwedeng magpiyansa

NAGBANTA ANG Sandiganbayan First Division na papayagan nilang makapaghain ng piyansa si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo kung patuloy na mabibigo ang prosekusyon na makapagharap ng witness sa ginagawang pagdinig.

Ito ang ginawang babala ni First Division chairman Justice Efren dela Cruz matapos muling hilingin ng prosekusyon na ipagpaliban ang presentasyon ng mga testigo para sa kasong plunder ni Ginang Arroyo.

Bagama’t tutol ang depensa sa hakbang ng prosekusyon, pero pinagsabihan at pinagalitan sila ni Justice DeLa Cruz na kung walang maihaharap na witness sa gagawing pagdinig sa Miyerkules, maaari nang maghain ng piyansa ang dating pangulo.

Si Ginang Arroyo, kasama ang siyam na iba pa, ay nahaharap sa kasong plunder dahil sa diumano’y paglustay sa P360 milyong intelligence fund ng Philippine Charity Sweepstakes Office’s (PCSO).

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.