CGMA kay P-Noy Estudyante lang kita Economic strategy pasang-awa

BINIGYAN NG pasang-awang  ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa kanyang libro si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Ang pagrado ng dating lider ay isinaad sa librong kanyang isinulat habang nakakulong sa Veterans Memorial Medical Center sa V. Luna, Quezon City.

Ang kanyang libro na may pamagat na “It’s the economy, student” ay sumesentro sa economic challenges na kinakaharap ng bansa ngayon at pagkukumpara sa dating administrasyon.

Sa presentation sa Manila Hotel, binasa ng ekonomistang si Dr. Gonzalo Hurado ang nasabing economic paper na isinulat ng dating pangulo habang nasa ospital.

Nakasaad ditong nakapagtala ng 7.9% growth ang bansa bago siya bumaba sa puwesto na hindi aniya mabubura ng anumang black propaganda ng kasalukuyang pamahalaan.

Nakalulungkot aniyang sa third quarter ng 2011, 3.2% lamang ang naitalang growth rate na higit na mababa sa forecast dahil sa kakulangan ng leadership, pananaw, at tamang pamamalakad ng economic affairs ng kasalukuyang pangulo.

Dahil dito, pinayuhan ni Arroyo si Pangulong Aquino na unahing pag-ukulan ng pansin ang economic growth, sa pamamagitan ng pagbibigay ng halaga sa tinatawag niyang sunshine industry tulad ng information and communication technology, pagpapalaganap ng infrastructure, pagtugon sa problema ng edukasyon at kalusugan, land productivity at environmental concerns.

Ang tila pagbabale-wala aniya ni Aquino sa mga nagawang pangkaunlaran ng mga nakaraang administrasyon ay lalo pang nagpapalugmok sa kabuhayan ng bansa at ng mga mahihirap.

Nakasaad din sa naturang economic paper na dapat ihinto ng Pangulo ang paninisi at simulan nang magtrabaho at magplano para maisulong ang kaunlaran ng bansa.

Naging economics professor ni Pangulong Aquino sa Ateneo de Manila University si Ginang Arroyo.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

3 thoughts on “CGMA kay P-Noy Estudyante lang kita Economic strategy pasang-awa

  1. e bakit di nagawa ng hitad na gloria na yan na unahin ang economic growth ng bansa? instead bulsa growth ginawa nilang mga puthang mag anak nila! TARANTADANG GLORIA! MAKULONG KA SANA AT MAMATAY SA KULUNGAN HITAD!!!!

  2. That’s why I was wondering. I had high hopes back then that GMA could really lead the country and make substantial economic and moral reforms, considering her superior intellect, economic grounding and experience. But her electoral victory has been marred by fraud and cheating. She had been corrupted by power. The economic growth she’s been boasting also didn’t convert to actual improvements on the lives of individual Filipinos. She should know that growth stat can be misleading measure of economic growth. The real gauge is the quality of life of the majority of Filipinos. How many have reliable employment and could afford the basic things that they need? The fact that OFWs’ exodus continues, there’s no denying that life in the country remains difficult and people can’t find jobs here that could provide decent life for their families. As GMA is a genius, that all the more made her a great disappointment!

Leave a Reply

Your email address will not be published.