CGMA, ‘Di Sisipot sa SONA

HINDI DADALO sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino III si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo.

Sinabi ng abogado nitong si Anacleto Diaz, hindi humingi ng permit si Arroyo para makalabas ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) ngayong araw at makapunta sa SONA ni PNoy sa Batasan Pambansa.

Samantala, hindi rin aniya ito humingi ng permiso sa Anti-Graft Court para makalabas ng ospital at makapanumpa kay House Speaker Feliciano Belmonte.

Matatandaan na naka-hospital arrest si CGMA dahil sa kasong pandarambong sa umano’y maanomal-yang paggamit sa pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.