CGMA, ‘Di Pa Lusot Sa Maguindanao Massacre

MAAARI PANG maghabol ang complainant laban kay dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo kaugnay sa kaso ng Maguindanao massacre.

Ayon kay Manila Chief Prosecutor Edward Togonon, maaari pang maghain ng motion for reconsideration (MR) si Marconi Abdulaziz Paiso hinggil sa ginawang pagbasura ng piskalya sa kanyang reklamo.

Maaalala na iginiit ni Paiso, kandidato sa pagka-bise gobernador ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na may pananagutang kriminal si CGMA sa pagkamatay ng mahigit 50 dahil sa hindi nito pagtupad sa kanyang tungkulin bilang commander-in-chief ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Samantala, naniniwala si Paiso na nakadagdag sa tensyong pulitikal sa Maguindanao ang aniya’y kawalang aksyon noon ni Arroyo na nagresulta sa pamamaslang.

Gayunman, ibinasura ng piskalya ng Maynila ang reklamo dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya.

Sa ngayon, nilinaw naman ni Togonon na hindi dumaan sa kanya ang kaso.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.