CGMA, ‘Di Makaboboto

HINDI MAKAKABOTO sa eleksyon sa Lunes si dating pangulo at reelectionist Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang bayan sa Lubao, Pampanga.

Ayon kay Elena Bautista-Horn, chief of staff at tagapagsalita ni CGMA, hindi humingi ng permiso sa korte ang dating pangulo upang makalabas ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City.

Wala ring precinct count optical scan (PCOS) machine na dadalhin sa presidential suite nito sa VMMC para makaboto.

Samantala, tiwala naman aniya ang dating pangulo na muli itong mahahalal bilang kinatawan ng 2nd District ng Pampanga sa kabila ng kabiguang makapangampanya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.