CGMA, babasahan na ng sakdal

 

NAKATAKDANG BASAHAN ng sakdal ngayong araw sina dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at asawang si Atty. Mike Arroyo kaugnay ng kasong kinakaharap sa $329-million ZTE-NBN deal.

Ayon kay Sandiganbayan executive clerk of court at spokesperson Renato Bocar, bahala na umano ang Philippine National Police (PNP) na makipag-coordinate sa anti-graft court’s Sheriff’s Office, para magpatupad ng seguridad sa dating pangulo na ngayon ay nakapiit sa Veterans Memorial Medical Center.

Kasama rin sa mga babasahan ng sakdal ngayong araw ay sina dating Commission on Elections (Comelec) Chairman Benjamin Abalos at dating Transportation Secretary Leandro Mendoza.

Ang nasabing arraignment ay gagawin sa anti-graft court’s Fourth Division kung saan ang chairman nito ay si Associate Justice Gregory Ong. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.