Cesar Montano, still likes girls with big boobs

THROUGH THE INVITATION of Mr. Kane Choa ng ABS-CBN Corporate Communications, we were able to watch for the first time sa loob ng studio ang top-rating celebrity singing game show ng Kapamilya network, ang The Singing Bee last Friday. Ipinalabas na last Saturday sa Kapamilya network ‘yung kinunan nila nu’ng Biyernes which marks the first episode para sa pagsisimula ng ikatlong season ng The Singing Bee.

In fairness kay Cesar, ang laki na talaga ng improvement niya bilang host, huh! Kumakanta, sumasayaw at nag-a-adlib ng joke sa show ang mahusay na aktor and soon to be the Governor of Bohol.

Tamang-tama naman na isa sa mga guests that time ay si RR Herrerra, ka-team ang mga kasamahan niya sa Banana Split na si Princess Ryan at ang komedyanteng si Pooh.

During break, tinukso namin si Cesar kay RR na hinalikan siya nu’ng mag-guest ang aktor sa Banana Split, kung hanggang ngayon ay ‘di pa rin niya nalilimutan ang halik ni RR?

“Oo, madalas nga napapaginipan ko pa rin hanggang ngayon,” nakangiting sabi ni Cesar.

Follow-up namin, kung alam ba ‘yon ng nakabalikan niyang misis na si Sunshine Cruz. Hindi raw, kasunod ng malakas na tawa ni Cesar at sabay bawi na biro lang. Siyempre, ‘no? Syokot lang niya kay Sunshine. Any moment, mag-alsa balutan na naman sa bago nilang bahay si Sunshine.

Pero pagkatapos ma-out ni RR sa second round, at maiwan ang mga sesking dancers ng Wowowee na sina Milagring, Mariposa at Luningning, kitang-kita naman ang pagpungay ng mga mata ni Cesar, huh! Napag-tripan pa niya ang damit ni Milagring na may bukas sa zipper sa gitna at litaw ang mayamang dibdib nito.

Nakita naman ni Cesar ang reaksiyon namin nu’ng mapansin namin ang pagkakatitig niya sa dibdib ni Milagring, kaya nginitian na lang kami ni Cesar. Naku, itong si Kuya Cesar, ang hilig talaga sa malalaki ang boobs, huh! At least, ‘no, sa ganyan-ganyan na lang humihirit sa ibang babae si Cesar ngayon.

by Julie Bonifacio

loading...

5 thoughts on “Cesar Montano, still likes girls with big boobs

  1. ka-cheapan na ang balita, mali pa ang surname ni rr. di naman kagandahan si rr at milagring na yan kumpara sa asawa ni montano. naku!!

  2. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » Pinoy Parazzi Vol. II Issue #56

Leave a Reply

Your email address will not be published.