Cesar Montano pursues Sunshine Cruz every night to have a son!

INAMIN NI CESAR Montano na gabi-gabi niyang “pinagpaplanuhan” si Sunshine Cruz. “May tatlong Maria na ako, dapat magkaroon naman ng baby boy. Totoo talagang hindi ko pinapalyahan si Sunshine, ginagabi-gabi ko siya.” At binirahan ng tawa ng aming kausap sa CCP.

Ayon pa rin kay Buboy, hindi totoong buntis si Sunshine. “Sexy pa rin siya at ‘yun nga talaga ang gusto kong mangyari, ang mabuntis siya. Kaya lang, parang ayaw pa yata niya. Hahaha! Pero hindi puwede iyon, gusto ko talagang makagawa kami ng baby boy,” sundot pa uli ng aming kausap.

Sa ngayon, walang ginagawang showbiz project si Sunshine. “Nasa kanya ang desisyon kung gusto na niya uling magtrabaho. Pero ang usapan namin, kapag tumanggap siya ng commitment, be sure na hindi maapektuhan ang pagiging full-time mom niya, kasi mahirap maging ina. At si Sunshine, almost perfect housewife and mother ‘yan. At iyan ang gusto ko sa taong iyan,” sunud-sunod pang sabi ni Cesar sa Pinoy Parazzi.

Sa kabilang banda, ang ilan pala sa pelikulang ipinagmamalaki ni Cesar ay ang Jose  Rizal at Muro Ami. “’Yung Rizal, hindi talaga makakalimutan iyon ng mga tao. ‘Yun ang pinaka-obra maestra kong maihahanda sa Pinilakang Tabing.”

Samantala, inamin ni Cesar na nalungkot siya dahil hindi umabot sa deadline ang pelikulang dapat sana ay entry niya sa darating na Metro Manila Film Festival. “Sayang talaga at hindi umabot, pero okey lang, better luck next time na lang.”

 

TOTOHANAN PALA AT hindi gimik para sa Temptation Island ang away nina Marian Rivera at Heart Evangelista.

Ayon kay Mother Lily Monteverde, totoong not in good terms ngayon sina Marian at Heart. Pero ayaw raw niyang makialam sa usaping iyon dahil away-bata lang iyon.

“As far as I know, may problema sila. Pero ayokong makialam at ayokong may kampihan sa kanila,” pahayag ni Mother Lily, na nagsabi pa sa Pinoy Parazzi na pinayagan niyang hindi makapag-promote si Heart ng kanyang pelikula dahil nasa ibang bansa ito. “Nagpaalam naman siya sa akin na hindi siya makakapag-promote, kaya walang problema sa akin.”

Sa kabilang banda, marami ang nagsasabing sinuwapang na naman ni Mother Lily ang entry sa darating na MMFF, kung saan tatlo ang kanyang lahok sa walong pelikulang maglalaban.

“Basta ako, gawa lang ako ng movie. At masaya ako siyempre dahil napipili ng Metro Manila Film Festival ‘yung mga pelikula ko.”

Ang Hototay, Shake Rattle and Roll at ang Yesterday, Today and Tomorrow ang tatlong movie ni Mother Lily.

 

BLIND ITEM: NAKAKALOKA naman itong kilalang aktor na dumalo sa nakaraang Star Awards For Movies, kung saan ginawa nitong basurahan ang palad ng TV crew na si Ace Hernandez ng The Buzz.

Gulat na gulat si Ace sa ginawa ni aktor nang kausapin niya ito sa isang sulok ng Resorts World.

“Siyempre hindi ko alam ang magiging reaction ko. Kaya nu’ng kinuha niya ang kamay ko at ilagay niya du’n ‘yung chewing gum, naloka na lang ako, pero deadma,” sabi ni Ace sa Pinoy Parazzi. Hindi nga raw niya alam kung mababastusan, matutuwa o magagalit siya kay aktor.

Si aktor na medyo naging magaspang ang ugali noong gabing iyon, kung saan ang nginunguyang bubble gum ay inilagay sa palad ng taong nag-iinterview sa kanya ay may initial na W. ‘Yun na.

Kung hindi pa ninyo kilala, itanong n’yo na lang kay Ace ng The Buzz! Tsuk!

More Luck
by Morly Alinio

loading...

7 thoughts on “Cesar Montano pursues Sunshine Cruz every night to have a son!

  1. LUMA NAMAN ITONG BI MO! E NAPANOOD NA NAMIN ITO SA JUICY EXPRESS! THE BEST TALAGA ANG JUICY EXPRESS!!! UNANG UNA SA MGA BALITANG SHOWBIZ!!!

  2. KOREK WILLIAM MARTINEZ ANG BLIND ITEM KC KATUNOG NG MRTINEZ YUNG ACE. MARTIN-ACE MALAMANG NAAPEKTUHAN NA UTAK NYA SA PAGKAKA-STROKE NYA.

Leave a Reply

Your email address will not be published.