Cesar Montano, proud na proud sa ginagawa ng anak na si Diego Loyzaga

KUMALAT KAMAKAILAN ANG balitang may hindi pagkakaunawaan ang mag-amang Cesar Montano at Diego Loyzaga. Sinasabing nagsimula raw ito nang tutulan ni Cesar ang pag-uwi rito sa bansa ni Diego mula sa Australia para mag-artista. It was said that Cesar did not grant Diego’s request to have his own car and condominium unit.

Nag-ugat kaya ang sinasabing problema nina Cesar at Diego dahil matagal silang nagkalayo sa isa’t isa? Lumaki kasi sa Australia si Diego sa piling ng kanyang inang si Teresa Loyzaga. Baka naman naninimbang pa sila kaya they are awkward with each other pero pasasaan ba’t magiging close din sila.

Teresa recently arrived in the country at sa katatapos lang na Star Magic Ball ay nagsalita siya tungkol sa isyu. “Magkasama na at magkakilala na iyong mag-ama. Gawin nating maganda. I am just happy that they are getting to know each other. As a mother, masasabi ko na ‘di ko pinagkait ang anak ko na makilala ang ama niya at ‘di ko pinagkait sa ama niya na makilala ang anak niya.”

Mukhang mas magiging close pa ang mag-ama because Diego is part of the cast of Cesar’s new movie Hitman. They will spend more time with each other during shootings and promotions at tiyak na bibigyan ng mga helpful tips ni Cesar si Diego on acting. This is the first time na makakasama ni Cesar ang isa niyang anak sa pelikula although we have seen him with his daughters in commercials.

Diego also flatly denied na may isyu sa pagitan ng kanyang magulang. “Nagkikita sila. Kailangan talaga for my school. Kailangan sila mag-usap. Parang friends lang po.” It’s good to know that Cesar and Teresa are in good terms for the sake of their son.

Nagbigay ng pahayag si Cesar nang makorner siya kamakailan ng The Buzz at mahahalata mo sa kanya na proud siya kay Diego. “I’m very grateful kay Diego at tinanggap niya ang role na ito. Napaka-busy nito, eh. Mas busy pa sa akin. Ilang beses nagte-taping ito, nag-aaral pa at the same time. So I’m thankful. I’m so proud. Artista na.”

I think sharing the same hobbies with your son is a great way to strengthen your relationship. It gives you both a common ground and a chance to spend quality time together. Who knows at baka sa susunod ay pagpipinta naman ang mapaglibangang gawin ng mag-amang Cesar at Diego?

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Related Post

loading...

2 thoughts on “Cesar Montano, proud na proud sa ginagawa ng anak na si Diego Loyzaga

  1. tama ka JELLOE, Diego is so handsome and im sure full of talents being the son of two talented artists. pag maalagaang mabuti ang batang ‘to at magabayan ng mga matitinong tao sa kanyang paligid, Diego will become the next big thing in the movie industry. Diego, im a fan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.