Cesar Montano mum about break-up with Sunshine

NAKAPANGHIHINAYANG NA SA paghihiwalay din yata mauuwi ang magandang pagasasama nina Cesar Montano at Sunshine Cruz. Ang gaganda pa naman ng kanilang mga anak, lalo na ang panganay na nakasama ni Buboy (palayaw ni Cesar) sa isang commercial.

Cesar is still mum about it, at naghihintay lang daw ng tamang panahon para aminin na hindi nangyari ang muli nilang pagkakasundo, tulad ng inaasahan ng lahat ng nagmamahal sa kanila.

May kinalaman diumano sa madalas nilang ‘di pagkakasundo ang pang-aaway in public ni misis sa mga nali-link sa kanyang asawa. Dagdag na balita rin ang pagpapa-interview niya sa mga talks shows at movie press, sa halip na silang mag-asawa na lang ang nakaaalam nito. Mas madaling mamatay ang apoy, kaysa maraming nakaaalam.

May nagsasabi rin na nakaaapekto kahit kaninong mag-asawa ang hindi pagkakasundo ni misis sa mga kamag-anak ni mister, lalo’t nakarating pa sa husgado. Closely knit pa naman daw ang pamilya ni mister lalo na noong binata pa ito. As a matter of fact, takbuhan ni mister ang kanyang nakatatandang kapatid kapag kailangan niya ang payo at tulong nito.

Ano nga ba ang nangyari at uminit na naman ang balita. Biglang nanahimik si misis, lalong-lalo na si mister?

Sana’y may mamagitan sa kanila, para maiwasan ang lungkot na nadarama ng showbiz sa isa pang kapamilya couple na naghihiwalay o naghiwalay na nga ba?

NAABUTAN KO PA ang Tayong Dalawa noong Biyernes, kahit maaga akong umalis sa grandeng thanksgiving party nito sa Events Place sa Tomas Morato.

Totoo ang sinabi ni Kim Ciu, na kaabang-abang ang bawa’t episode ng teleseryeng inaabangan ng lahat mula sa Metro Manila hanggang sa maliit na baryo namin sa Danacbunga sa Botolan, Zambales.

Kung awang-awa ang televiewers kay Jake Cuenca nitong nakaraang lingo, bumawi naman si Gerald Anderson. Iyak nang iyak ang mga kasama kong nanonood lalo na nang saksakan ng pampatulog si Gerald dahil nalaman na nitong nagpakasal nga si Kim kay Jake. Nakatulong pati ang make-up ni Gerald para magmukhang namula siya sa sobrang galit at nanginig ang kanyang katawan sa tindi ng pagdaramdaman.

Hindi na ngayon makapagdesisyon ang buong madla kung kanino kina Gerald at Jake ang posibleng manalo ng best actor award sa susunod na award-giving bodies for TV.

Hindi nagpapahuli si Helen Gamboa na lutang na lutang nang gabi ring iyon both sa presscon at sa TV. Sobra sa taray ang ganda ni Helen sa semi-formal dress na suot niya. Reynang-reyna ang dating niya, with matching  earrings at bracelets. Nakaka-shock din ang revelation ni Helen sa TV na siya ang pasimuno ng lahat ng kaguluhan sa kanyang pamilya. Only a mother (to Agot) can do such horrible things para maging maligaya ang kanyang nag-iisang anak.

In a previous interview, na-shock din si Helen sa script na inihanda sa kanya nang araw na iyon. “Hindi namin alam kung ano’ng mangyayari , lalo’t maseselang eksena sa nalalapit na pagwawakas ang ginagawa namin ngayon. Malaking ordeal ang instant preparation na gagawin namin, but I love the challenge, at inuulit-ulit ko lagi na I’m so happy I accepted this role.”

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

12 thoughts on “Cesar Montano mum about break-up with Sunshine

  1. maiba lang ako tita (tita daw oh! bilang pag galang) … how’s your uber favorite star patroller na si gretchen fullido ? parang i dont hear her scary voice all that much these days …

  2. Dont talk about fallbacks. a girl who is older or not that pretty always has a fallback. Si sunshine pa kaya? Look at the face of this chit ramos. Seems like you cannot really trust her. Just an opinion. Lol! Sunshine is no pornostar & the cruz family has always been well off. Cesar became rich just recently & he openly admitted that from what i have read. God bless their family. Deadma sa mga inggit.

  3. mariana is not even a part of this unreal article. Mariana is now quietly working her ass in india. She was not the brazilian girl in the sex video.

  4. Namannnn! Si michelle masyadong personal ang banat. Malamang ito yung kamag-anak na idinemanda. Kung buhay reyna man ang tao, wag na natin pakialaman. Maging masaya nalang na hindi nasira ang pamilya nila. Meron akong kilala dyan tapos ng kolehiyo pero wala namang breeding. Im happy di true ang hiwalayan. Ang totoo nyan sigurado mahal talaga nila ang isat-isa

  5. hello si mariana del rio yung isa sa sex video ni hayden di ba yun yung naging GF ni cesar dati? na brazilian echos kaya kinuha agad ng abs kasi sikat sa tabloid.

  6. affected naman mga commentor dito. hindi papayag si Sunshine na maghiwalay sila ni Cesar ‘no? buhay reyna kaya sya kay Buboy, ayaw na nyang bumalik sa pag bobold kaya kahit sabihan syang pornstar ni Cesar ay tatanggapin ng buong buo ni sunshine ang mga salitang yon. wala namang fallback si Sunshine, hindi nakapag aral at hindi na sya pwedeng maghubad kaya relax lang kayo.walang hiwalayang mangyayari..LOL

  7. ramos, trabaho mong alamin muna ang katotohanan. pati relasyon ng magasawang nananahimik gagawan mo pa ng issue. hindi dahil mum si cesar o sunshine ay hiwalay na. ayaw lang sigurado nilang magpa-issue at itolerate ang pang-iintriga at kasinungalingan ng isang katulad mo.

  8. chit ramos, Matagal ng maayos ang magasawa. I-check mo facebook nila ng makita mong mali ang pinagsasabi mo. Kawawa ka naman. Wala ka ng maisulat.

Leave a Reply

Your email address will not be published.