Cesar Montano, magpapaseksi uli sa pelikula – Julie Bonifacio


WALANG TAMPO SI Cesar Montano sa pamilya Aquino kung si Piolo Pascual man ang piliin  nila na gumanap bilang  Benigno ‘Ninoy’ Aquino, Jr.sa filmbio nito  kahit siya ang personal choice noon ng yumaong Presidente at misis ng pinatay na bayani na si Cory Aquino.

Mas importante kay Cesar na magawa na ang  lifestory  ni Ninoy sa big screen dahil ang younger generation ay nakakalimutan na ang kabayanihang ginawa ng ama ni Kris Aquino.

“Kahit sino puwedeng gumawa noon (movie). Ninoy  is a great hero. Nagkataon lang  na eto buhay pa ‘yung mga kamag-anakan. Si Jose Rizal,‘yung mga apo ng apo ng apo sa tuhod na lang, malayo na. But anybody can do the movie. Well, of course, maganda  ‘yung may blessings ng kamag-anakan, nu’ng pamilya and ‘yung gagawa mas happy. But siyempre, that doesn’t mean na hindi ko pa rin magagawa ‘yun. Pwede ko’ng magawa ‘yun in  few years. Pwede pa rin kaming gumawa ng ibang anggulo ‘di ba?” lahad ni Cesar na may bagong TV commercial para sa Mega sardines.

Kinumpirma rin ni Cesar na tinanggap na niya ang offer ni Direk Wenn Deramas na guwama siya ng movie na mala-Full Monty ang dating. Hinihintay lang daw ni Cesar ang script. Dito magsasayaw ng sexy si Cesar habang nagpe-perform sa stage.

“Para kakaiba naman ‘di ba?  I’m an actor, aktor tayo. Sa Amerika kahit ano basta trabaho ‘yan, challenge, fulfillment ‘yan. Gusto ko’ng ipakita na dito sa bansa natin, sa mundo ng entertainment ay hindi ka dapat malimitahan, ikulong ang sarili as  sa isang box,” diin ni Cesar.

Read Julie Bonifacio’s Blind item: Controversial female star, maraming nalilink

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.